“Cut!” Sumigaw si David sa mikropono nang makitang nahulog si Mihan sa tubig. Kasabay nito ay ang pagkaalarma ng lahat ng crew at staff. “Mihan!” Napabulalas si Johanna samantalang nakita na lang niyang paparating si Thiago nang naka-jet ski nang sobrang bilis. Bilib din naman siya sa pagiging handa ng lalaki. Nag-U-turn ang speed boat na kinasasakyan ng Amerikana para balikan si Mihan at tulungan ito. Pagkahinto ng jet ski ay nag-dive si Thiago para iligtas ang dalagang nawalan ng malay sa ilalim ng tubig. Agad niyang hinila ito paitaas at pinasakay sa dinghy boat na ino-operate ng isa sa mga kaibigan niyang sumunod sa kanya. Hinila iyon ng speed boat na sinakyan ni Johanna pabalik sa may daungan habang binigyang paunang lunas si Mihan. Dahil hindi ito humihinga ay nilukob ng takot an