Habang nakaburol ang ina ng magkapatid na Habagat at Mihan, inutusan ni Thiago ang isang tauhan upang bilhin ang naremateng kuwintas na isinangla ng kapatid ng nobya. Ibinigay niya iyon sa nobya. “Ikaw ba ang magtatago niyan?” tanong ng binata sa dalagang nakatayo at nakadungaw sa inang nasa loob ng kabaong nito. Namamaga ang mga mata nito at pulang-pula ang ilong dahil sa kaiiyak. Umiling ang babae bilang kasagutan. “Pakibigay mo na lang kay Kuya,” anitong ibinalik sa kanya ang supot. Marahan siyang tumango. Pumihit siya para hanapin ang kapatid ng dalaga. “Salamat, Thiago,” mahinang ani Mihan sa kanya. Binalikan niya ito at hinalikan sa pisngi. “Don’t stand too long. Puwede ka namang maupo.” “Ayos lang ako. Uupo rin ako kapag hindi ko na kayang tumayo,” makahulugang tugon nito at