Mabilis na itinulak ni Thiago ang wheelchair ni Mihan sa pasilyo ng ospital patungo sa ICU, isang hapon. Nang tumawag si Habagat sa dalaga para ipaalam na nagising na ang ina ay agad silang lumipad sa Manila gamit ang private plane ng binata. Sa hangar ay naghintay roon ang chopper ng isa pang kaibigan ni Thiago na nagkataong nasa Manila upang mas mapadali ang kanilang pagbiyahe patungo sa ospital kung saan may helipad din. Agad na pinasuot ng gown, mask at cap ang dalaga. Hindi pinapasok si Thiago dahil pamilya lang ang puwede kaya ang nurse na ang nagtulak ng wheelchair ng dalaga. Hanggang masid na lang ang nobyo niya sa glass door sa labas at may pag-aalala sa mukha. Nasa tabi na ng kama ng ina ang kanyang kapatid at pulang-pula ang mga matang luhaan nang mapansin ito ng dalaga. Sa