“How are you, Amihan?” tanong ni Malena nang dumalaw ito sa dalaga sa ospital kasama si Candela. May dalang mga prutas at fresh juice ang mga ito. Neutral lang ang mukha niya nang harapin ito. Ayaw niyang malaman nito na alam niya kung ano ang pakay nito. Dahil siguro sa nalaman niya ang nangyari sa ‘kin at nandito rin si Thiago ay kaya siya dumalaw sa ‘kin. Ganito yata siya kabaliw sa ex niya para sundan ‘to hanggang Manila. Bumangon ang paninibugho sa kanyang puso. “I’m okay, thank you.” Neutral lang ang pagsagot niya sa karibal. “You didn’t have to come. I’ll be released in less than an hour,” dagdag niya. “Oh, that’s good we caught you here,” natutuwang sabi ni Malena. “We also just want to make sure you’re good after that incident, Amihan,” anang Candela na nakangiti nang matipi