Nakatingin lang ako sa kawalan habang iniisip kung paano ko papatayin si hokage sa pamamagitan ng pangalan niya. Ang tarantadong hokage na 'to ay ang sarap ilibing ng buhay! Rinig na rinig ko ang bulungan ng bawat tao rito at nahagip din ng mata ko si Naomi na mukhang papatayin na ako sa tingin. Akalain mong imbitado pala siya? Pero 'di pa niya ako pwedeng patayin dahil papatayin ko pa si hokage! Nakita ko rin si Claude na mariin na nakatitig sa 'min. Samantalang ito ang leader ng mga ninja ay pangiti ngiti lang. Mukhang ine-enjoy ng gunggong ang announcement niya. Kinurot ko 'yong tagiliran niya. "Aw!" daing niya. "Ano'ng pakulo 'tong gunggong ka?" tanong ko naman sa kanya. "What?" Ay depunggol. Ine-english pa ako. "Watwatin mo mukha mo! Ihampas kita sa watawat eh. Dami-da