"Nasa'n ba nakalagay 'yong mga kutsara't tinidor no'n?" "Hanapin mo! Hindi ko rin alam." "Huwag ka sumigaw tanga. Baka marinig tayo ni Tannie." "Gisingin na kasi." "'Wag. Hayaan mong ma-late 'yang babaitang 'yan." "Oh right. Continue cooking." "T*nginamo." Ingay! Sino ba 'yong mga nag-uusap na 'yon?! Jusme! Ang aga-aga! Wala ba silang konsiderasyon? Kitang may natutulog dito oo oh! Sana man lang medyo nilakasan pa nila 'yong pag-uusap nila 'no? Nakakahiya naman sa 'kin. Okay lang tala— P*ta?! Napabangon ako ng wala sa oras. May tao? Sa loob ng apartment ko? Magnanakaw? Mamatay tao? Engkanto? Impakto? Dinilat ko ng maayos ang mga mata ko. Aba! Maling desisyon ata na rito nila napiling magnakaw. Sa apartment ko pa mismo? Sa apartment ng isang pro pagdating sa pagnanakaw? Sino'ng w