Pagpasok ko sa apartment ko ay tumambad agad sa akin ang mga ugok kong pinsan na nakahilata sa kama ko at ang sasarap ng tulog. Tingnan mo nga naman ang mga kw*ninang ugok na 'to. Wala man lang silang ginawang matino sa mundo. Sayang ang pagbuhay sa kanila kung wala rin naman silang ambag sa mundo. Pasensya na sa mga pinsan kong punong-puno ng katamaran. At dahil isa akong matinong tao ay may naisip akong kagimbal-gimbal. Pinatay ko ulit ang ilaw at lumapit sa kama ko. Inilagay ko ang buhok ko paharap at naghanap ng sound na pang-horror. Pinindot ko ang play at nanatili sa pwesto. P*cha! Bakit parang ako ang natatakot sa sound? Nakita ko naman na unti-unti silang gumagalaw at nagbubukas ng mata. Unang nakakita sa akin si Kuya Kyle. Nakakatitig lang siya sa akin pero mukhang kabado na