"Yeah?" sagot na patanong niya. "Ano'ng... Ano'ng ginagawa mo rito?" "Uh... Someone invited me." Ano raw? May nag-imbita sa kanya? Ay parang tinagalog ko lang 'yong sinabi niya eh. Pero at least naintindihan ko 'di ba? Sabi ko naman sa inyo matalino rin talaga ako eh. "Sino?" "Ako! Inimbita ko siya. It means bisita ko siya," singit ni sa 'min ni Kuya Karl. Biglang napataas ang kilay ko sa kanya. At may lakas pa talaga siya ng loob na mang-imbita? "Hoy, ano'ng karapatan mong mag-imbita?" tanong ko habang nakapameywang. "Wala ka na do'n. Pasok ka dali." Ay depunggol. Minsan talaga ang sarap sapakin ng mapagpanggap na 'to eh. Mas mabuti talaga na nagpra-practice na lang siya maging professional sa pagpapanggap na englishero. "Teka lang, Kuya! Kill ba—" "Hoy sino papatayin?!" biglan

