"Punta kayo ah!" Sabay-sabay at kanya-kanyang "oo" 'yong mga kaklase ko sa sinabi ni hokage. Ano'ng meron? Ayon at birthday ng kupal na ninja na magnanakaw run. Next next week pa naman 'yon at wala akong balak pumunta! Period! Matik na mga mayayaman 'yong nandoon, nakakahiya naman pumunta dahil baka matakpan 'yong yaman nila ng kagandahan ko. Charot! Napasandal ako bigla sa upuan ko nang may hokageng lumitaw mula sa kawalan at tumambad sa mukha ko 'ykng pagmumukha niya. Kw*ninang leader ng mga ninja. "Tiff, punta ka ah? I'll wait for you." Umirap ako sa kanya tapos ay pinagkrus 'ying mga braso ko. "Maghintay ka mag-isa mo. Ugatin ka san dahil hindi ako pupunta," sagot ko. Nilapit niya ng konti ang mukha niya sa 'kin tapos ay nagtanong. "At bakit?" "Kasi pwet mong may raket."