Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Woah... Nasa langit na ba ako? Bakit puti lang ang nakikita ko? Patay na ba ako? Pero infairness ah, sa langit ako napunta kahit puro katarantaduhan at kalokohan ang ginagawa ko sa buhay ko. K*ngina. Bakit parang tanggap ko nang patay na ako? Umayos ka Tannie! Pepektusan kita! "Tannie?" Oh, sino 'yong tumatawag sa 'kin? Huwag mo sabihing si satanas? Tapos sasabihin sa 'kin na mali 'yong napuntahan ko! Na dapat sa impyerno ako hindi sa langit. Tsanggala hindi ako papayag kahit alam kong do'n talaga ako mapupunta! "Tannie, okay ka na ba?" Napakurap ako ng mga mata ko. Boses ni Claude 'yon ah? Nilibot ko ang paningin ko. Anak ka ng. Nasa hospital pala ako hindi sa langit. Tatanga-tanga talaga. Nakita ko si Claude sa gilid ko na nag-aalal