"Defeat." "T*enang 'yan!" Nagulat ako sa sigaw ni Kuya Karl kaya nahampas ko siya bigla. "Aray! Problema mo?" tanong niyang akala mo may kaaway. Banas na banas siya dahil nakakadalawang talo na siya sa ML. Tanga-tanga maglaro eh, gano'n talaga. "Ikaw, tanga. Ang ingay mo kanina pa kaya manahimik ka dahil nagre-review ako!" "Review-review pa 'di naman papasa." Ay iba ka Kuya! "Paano mo nasabi? 'Tsaka ba't ka ba nasa kwarto ko? Labas nga!" Sinipa ko siya pero ang ugok hindi natinag. Aba't! "Mas tahimik dito, ang ingay ni Kyle do'n eh. 'Wag ka magulo." "Ah gano'n? Tapos ako iniistorbo mo rito? Baka gusto mong masapak?" Inambahan ko siya ng suntok pero tinampal niya lang 'yong noo ko. "T*ngina mo!" Tumawa lang siya tapos bumalik ulit sa paglalaro. Bagong game na naman s