Pareho silang nasa gitna at hawak-hawak ang kanilang mikropono habang may mga seryosong mukha.
Tumutugtog ang minus one na dapat ay kakantahin ko pero sina Claude at Kill na ngayon ang kakanta.
Si hokage ang unang kakanta dahil ni-ready na niya agad ang mikropono niya.
Inumpisahan niyang kumanta at halatang ginalingan niya.
At wow! Ako ata'y na wow mali. Hindi ko akalaing ganito kaganda ang boses ni hokage. Biruin mong talented pala itong Kill na 'to. Pero mas talented ako kasi pro level ako eh. Hindi ako nagmamayabang ah, nagsasabi lang.
Ang smooth ng pagkanta niya. 'Yong tipong mapapapikit o kaya mapapapokus 'yong tingin mo sa kanya. 'Yong parang nahihipnotismo ka sa boses niya. Gano'n kaganda 'yong boses niya. Iba!
Pero parang narinig ko na 'yong ganyang boses eh. Kailan nga ba 'yon? Sa plaza ba? Tama! Siya nga! Boses niya nga 'yon! 'Yong habang nagnanakaw ako, kumakanta siya. 'Yong may nakausap akong babae na nanakawan ko rin na may gusto sa kanya. Oo siya nga! Letse! Akalain mong siya pala 'yong tumulong sa 'kin para marami akong manakaw. Hindi literal na tulong pero dahil sa pagkanta niya na maraming na-attract na tao ay naparami ang nakaw ko.
Hindi lang 'yon! Kahit ano'ng iwas ko ng tingin, napapatingin ako sa kanya. Kasi tsanggala! Nakatingin siya sa 'kin!
Ano'ng problema ng hokageng 'to? Siguro tama nga 'yong hinala ko na nainlab siya sa kagandahan ko. Iba talaga kapag na sa 'yo na ang lahat, talino na lang kulang. Pero 'wag ka! Matalino kaya 'to sa pagnanakaw.
Si Claude na ang kakanta pero hindi ko alam kung kumakanta ba 'to. Kababata at crush ko pa pero wala ata akong alam pagdating sa buhay niya. Kw*nina ayos! Sorry na, buhay ko lang kasi ang inaatupag ko dati. Basta gano'n 'yon, ang alam ko lang ay isa akong magandang magnanakaw!
Nilapit niya ang mikropono sa bibig niya at nag-umpisa nang kumanta habang dinadama ang kinakanta niya.
Ay p*ta! May panlaban din si crush! Magaling din pala siyang kumanta. Sana pala inalam ko man lang kahit konti ang tungkol sa buhay niya.
Kasi no'ng mga bata kami, minsan ko lang naman siya makita. Tapos noong nawala ang mga magulang ko ay para akong napariwara. Pero naibalik ko rin naman ang dating ako. 'Yon nga lang may pinagbago. Tapos nung naibalik ko na ang dating ako, ang bonding lang namin ni crush ay puro nakawan. Nakawan ng puso, yiee charot! Basta 'yon lang ang lagi namin pinag-uusapan ang tungkol sa pagnanakaw. Walang nagtatanong sa personal life ng isa't isa. Pero ewan ko kay crush kung bakit alam ang mga nangyari sa buhay ko. Tsismoso rin minsan.
Parating na ang chorus at hindi ko alam kung sino kakanta no'n. Hindi ko alam kung planado ba nila 'to o biglaan lang talaga pero alam nila kung ano'ng linya ang kakantahin nila.
Mukhang planado 'to ng mga sira ulo ah! Para silang nagco-concert sa ginagawa nila.
Sabay nilang kinanta ang chorus na nagpahiyaw sa mga tao. Maski ako, napapahanga nila. Ibang klase!
Parang ang sarap pakinggan ng mga boses nila. Pero nakaka-distract lang dahil pareho silang nakatitig sa 'kin habang kumakanta.
Hindi ako assumera ah. Halata naman kasi na ako ang tinitingnan nila.
Pati ang mga audience ay nadala sa boses nila at malakas na pumalakpak nang matapos nila ang kanta.
Ang ganda...
Ang ganda ko. Charot! 'Yong performance nila ang ganda. Nakakamangha.
Bumaba sila pareho sa mini stage at tumabi sa 'kin.
"Galing!" sabi ko at pinalakpakan sila ng mabagal.
"Salamat." Nakangiting sagot ni Claude.
"Oy 'di ko akalain na kumakanta ka pala." Nagkibit balikat lang si crush at halatang proud siya sa ginawa niya.
"Thanks," sabat naman ng leader ng mga ninja.
"English-english pa." Inirapan ko siya ng malutong.
"Taray," aniya na hindi ko na pinansin.
Napatingin kami sa harap nang magsalita ang MC. Alam naman na natin kung sino ang mananalo. Syempre 'yong dalawang nilalang na nasa gilid ko ngayon.
"So, this is it pansit! May pagbabago sa rules pero mukhang knows naman ng lahat kung sino ang mananalo. Shinetch itey?"
Bigla namang kinanta ng audience ang chorus ng kantang kinanta nila crush. Sabi ko na eh. Sila ang mananalo!
"May tama kayo d'yan! Ang dalawang fafa sa araw na 'to na pumukaw sa ating mga puso!"
Pumalakpak ulit ng malakas ang audience at kanya-kanyang congrats sila sa dalawa. Umakyat naman ulit ang dalawang fafa raw, charot, sa mini stage at tinanggap ang kanilang premyo.
Kung okay lang sana ako at nakakanta siguro naipantulong ko na kila Tita ang premyong 'yon. Wala eh, gano'n talaga ang tadhana.
"Congrats!" bati ko sa kanilang dalawa pagbaba nila sa stage.
Nakangiti sila pareho at pareho rin na inilahad sa akin ang perang napanalunan nila.
"Para sa 'yo." Claude.
"For you." Kill.
Sabay nilang sabi at nagkatinginan pa.
"Ano na namang pautot niyo? Inyo 'yan mga hunghang," sabi ko tatalikuran na sana sila nanag hilahin nila ako pabalik.
"Ibigay mo sa Tita mo. Pang-ambag sa ukay-ukayan niyo," sabi ni crush na nilalagay ang pera sa bulsa ko.
"Use it whenever you want," sabi naman ni hokage at nilalagay rin ang pera sa kabilang bulsa ko.
Akalain mo 'yon, nagka-instant pera pa ako ngayon.
Syempre 'di na ako choosy. Pera na ang lumalapit, tatanggihan ko pa ba?
"Salamat sa inyo," sinserong sabi ko at ngumiti.
"Alam mo, Tiff. Kahit hindi pa kita naririnig kumanta, alam kong magrunong at magaling ka ring kumanta. Kaya nararamdaman kong bagay tayo eh," saad ni hokage habang nakangisi. Okay na sana 'yong sinabi niya eh, kaso t*ngnang bagay 'yan. G*go, tao tayo.
Tumawa ako ng peke sa kanya. "Alam mo, minsan ayusin mo mag-joke. Para naman bumenta ukay-ukay namin."
Narinig kong humalakhak bigla si crush. "Pre, sorry. Hahahaha! Aray. Putek. Bwiset. Ang galing mo talaga, Tannie!"
Pinagsasabi ni crush? May nakakatawa ba sa sinabi ko? May pahawak pa siya sa tiyan niya. Kumunot ang noo ni hokage. Siguro nagtataka rin pero maya-maya ay nakitawa rin. Halata mong peke 'yong tawa niya.
Anak ng! Mga baliw nga naman. Napailing ako at nagsimula nang umalis habang parehas na tumatawa 'yong mga baliw. Iiwanan ko nalang baka mahawa pa ako ng kabaliwan nila.
T*nginang buhay 'to. May Tita ka na ngang abnoy. May mga pinsan kang ugok. May kaibigan ka pang baliw. P*ta? Wala bang matino sa buhay ko? Tanging ako lang? Napabuntong hininga na lang ako.
>>>>>
PASIPOL-SIPOL ako habang naglalakad palabas ng school. Hindi ko kasabay si crush dahil may nag-aya sa kanya na mag-basketball. Sa loob lang din ng school, sa may covered court. Uwian na namin kaya diretso bahay na ako. Alangan naman sa mall tulad ng ibang estudyante rito, hindi ako rich kid 'no! Magnanakaw lang.
Kung papasok man ako sa mall, siguro ay ita-try kong magnakaw diyan. Iba kasi 'yong thrill kapag mahigpit ang security. Sabi ko sa inyo, mas enjoy ang life kapag may thrill.
Alam niyo ba na kapag isa kang matinong estyudante sa school, hindi mo maiiwasang may aaway at aaway sa iyo? Kase nga matino ka eh, sila hindi. Kumbaga sila 'yong kontrabida sa buhay mo.
At heto sila nakaharap sa akin ngayon. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa kanilang lima. Hay life, masyado ka talagang perfect. Biruin mong madami pa lang naiinggit sa akin. Tsanggala.
"Hi, classmates?" Ngumiti ako ng pilit sa kanila habang wini-wave ang kamay ko.
Umirap ng mata 'yong nasa gitna tapos sumunod 'yong apat. Ngi! Gaya gaya ganern?
"Hey b*tch! Hindi ko alam kung anong meron sa 'yo." -Girl 1
"At nilalandi mo ang dalawang sikat sa larangan ng sports!" -Girl 2
"Si Claude at si Kill ay sa amin na simula pa lang junior high school!" -Girl 3
"At ikaw na umepal sa frame na mukha namang lechugas!" -Girl 4
"Dapat sa iyo ay turuan ng leksyon!" -Girl 5
"Mangaagaw!" -All
Muntik na akong matawa sa kanilang lima. Kw*nina? Kinabisado ba nila ang bawat sasabihin nila?
Ang galing naman ng mga pinagsasabi nila talagang magkakadugtong. Pinagplanuhan niyo, mga teh? Shut*nginamerz!
"Teka lang, hahahaha! P*ta! Hahahahaha!" Bandang huli hindi ko rin napigilan pagtawa ko.
Tsanggala kasing 'yan, eto ba ang kontrabida sa buhay ko? P*cha naman! Wala bang lulupet diyan? 'Yong tipong sasampalin o kaya bubugbugin ako? Korni naman ng kontrabida ko, walang thrill.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" tanong nung isa na hindi ko alam ang pangalan. Classmate kong hindi ko alam pangalan at wala akong balak alamin. Pangalan ko lang sapat na.
"Sumama ka nga sa 'min at may ipapagawa kami sayo." Napatigil ako bigla sa pagtawa. May ipapagawa sila sa akin? Ano naman 'yon?
Umayos ako at nagtanong. "Ano? Huwag mo sabihing illegal 'yan?"
Pagnanakaw lang ang masasabi kong legal sa akin at illegal sa batas.
Umirap ulit sila, ngayon sabay sabay na. Tupanggalang fans nina Claude at Kill 'to. Yawa!
"Sumunod ka nalang."
Tumalikod na sila sa akin at nag-umpisang maglakad. Pinanuod ko muna sila bago sumunod sa kanila. Siguraduhin nilang may thrill 'to. Baka sipain ko sila palabas ng Earth.
Nakarating kami sa isang abandonadong room. Dito nilalagay 'yong mga sirang upuan o gamit ng school. Magulo at maalikabok sa loob. May isang bintana lang ang nandito at nasa taas pa. Medyo madilim din pero may liwanag naman na pumapasok mula sa bintana sa taas at sa pintuang nakabukas.
Busy ako sa kakamasid nang biglang may tumulak sa akin. Napabagsak ako sa kumpol ng sirang upuan. Natapilok 'yong kanang paa ko at tumama pa sa sa bakal na upuan. P*TANGINA! Ang sakit!
Medyo malakas 'yong pagkakatulak sa 'kin dahil dalawa sila. Kw*nina nilang lahat! Hinayupak! Sinubukan kong tumayo pero masyadong masakit 'yong kanang paa ko. Argh! G*go!
Napabaling 'yong atensyon ko sa sa kanila na nasa labas na ng room at sinasara na 'yong pintuan na may kasamang pagtawa nila. Hayop na yan.
"T*ngina niyo! P*kyu!" sigaw ko bago nila tuluyang isinara 'yong pintuan.
Wow nice! Sabi ko gusto ko ng thrill sa ipapagawa nila pero putek, sakit sa katawan 'yong ibinigay nila. Dapat pala hindi ko na sinabi na gusto ko 'yong masasampal at mabubugbog ako. T*ngna! Hindi na nga ako hihiling. Mahirap na.
Pinahinga ko muna 'yong sarili ko ng mga five minutes. Umaasang lilipas ang kirot sa kanang paa ko.
Sinubukan ko ulit tumayo. Makirot pa rin pero ininda ko hanggang sa tuluyan akong makatayo. Depunggol talaga. Nag-inhale exhale muna ako bago nilapitan 'yong pintuan.
Expected ko nang naka-lock 'yong pinto at hindi naman ako nagkamali. No choice ako kung 'di lumabas sa bintanang 'yon. Hindi na rin ako nag-abalang sumigaw dahil alam kong hindi rin naman ako maririnig dahil nasa pinakadulo 'tong room na 'to.
Lumapit ako ng konti sa may bintana. Inurong ko 'yong isang upuan para makatungtong do'n. Sinubukan kong pumatong sa upuan pero tsanggala nga naman, hindi nakisama ang aking kanang paa dahil mas lalo pa siyang kumirot.
Ano na ngayon, Tannie? Ang g*go mo kase eh. Thrill pa! Naol thrill!
Malapit na akong mag-give up at tanggapin na rito na ako matutulog nang biglang bumukas 'yong pintuan.
Napatingin ako doon. Tingnan mo nga naman. Tadhana, pinagloloko mo ba ako? Bakit siya pa 'yong night and shining armor ko? Ang aking tagapagligtas?
"Tiff! Okay ka lang?" T*gna talaga nitong hokage na 'to. Sinabing ayoko na tinatawag na Tiff eh. "Tannie?"
Ngumiti ako, buti binawi mo. "Okay lang ako," sagot ko.
Pero mukhang hindi siya nakumbinsi sa sagot ko.
"'Tsaka makakalabas naman ako diyan oh." Sabay turo ko sa bintana. "Flexible kaya 'to!"
Nag-umpisa akong maglakad patungo sa pintuan kung saan nando'n lang siya. Tahimik siya at seryoso. Si hokage seryoso? Isa itong himala! Ano kayang nakain ng animal na 'to?
Lumakad ako ng normal para makumbinsi siya na okay lang ako. Mukha kasing hindi pa rin siya naniniwala. Kapag sinabing okay, okay talaga 'yon! Pero pwede rin na hindi.
Lumagpas ako sa kanya ng walang sinasabi. Ang sama ko ba kung hindi ako magte-thank you?
Nakalabas ako ng building habang kinakaladkad 'yong kanang paa ko. Hindi ako makalakad ng maayos. P*cha ang sakit kasi! Marami pang estyudante ang nandito at nakatambay sa mga bench sa gilid. 'Yong iba nasa malapit sa fountain.
Saktong paglagpas ko sa fountain nang may pumigil sa akin at pinaharap niya ako sa kanya.
"Kill?" patanong na tawag ko sa kanya. Ano na naman problema nito? Dapat na ba akong magpasalamat sa ginawa niya kanina? Halata mong galing pa siya sa pagtakbo.
"You're not okay," sabi niya at agad akong binuhat. Pabridal style! P*tang!
"Hoy, anong—"
"Be quiet, baby."
Kw*nina? Tinawag ba niya akong baby? Ano ako sanggol? Excuse me! Maganda 'to! Ay charot!
Animalistic na hokage 'to. Ano na naman kayang trip niya ngayon? May pabuhat buhat pang nalalaman.
Hindi na ako nagpumiglas pa at pinulupot nalang 'yong kamay ko sa leeg niya. Napahigpit ata dahil sa takot kong baka ihulog niya ako. Si hokage pa, mukha pa lang niyang hindi na katiwa-tiwala.
Naramdaman niya siguro 'yong paghigpit ng hawak ko kaya nag-react siya.
"Don't worry, hindi kita ihuhulog. Dahil ako ang nahulog..."
Napatingin ako sa kanya. Ano raw? Tama ba pagkakarinig? May gusto ba siya sa 'kin? Nahulog ba siya ng literal? O nahulog siya sa 'kin? Alin sa dalawa?
Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi niya at sa halip ay tumingin nalang sa harap. Malapit na kami sa gate ng school at tupanggala! Si crush ba 'yon? Tiningnan kong maigi 'yong taong nakatayo malapit sa gate at naka-jersey. Si Claude nga!
At hindi lang 'yon! Si crush ay matalim na nakatingin sa amin.
O mas tamang sabihing...kay Killenster.