KAKAAPAK ko pa lang sa lugar namin, nakita ko na agad 'yong dalawa kong ugok na pinsan na nakatambay sa harap ng ukay-ukayan namin.
"Wazzup mga ugok!" Napalingon sila sa 'kin tapos agad ngumiti.
"Woi! Long time no see." Alam niyo na kung sino 'yan. 'Yong mapagpanggap na englishero.
"Ayos ah. Napadalaw?" Kuya Kyle.
Sabay silang tumayo tapos lumapit sa 'kin with matching open arms. Ay, may payakap ang mga ugok. Sasalubungin ko na sana sila nang lumagpas sila sa 'kin. Galeng.
"Kamusta ka na, pre?"
"Ang tagal mo nang hindi napapadpad dito ah. May jowa ka na? Kung wala, may ipapakilala ako sa 'yo."
Ando'n sila pumunta kay crush. Si crush 'yong sinalubong nila ng yakap imbis na ako na pinsan nila. Mga g*go nga naman.
Oo, kasama ko si crush. Kasi kami na pero charot lang. Hehehe peace! Sinama ko lang dahil gusto niyang sumama.
"Palibhasa mga walang jowa! Walang pumipili na babae sa inyo puro kasi tambay. Mga tambay ng kanto!" singhal ko sa mga ugok. Kitang matino 'yong tao e, idadamay sa katarantaduhan nila.
"Oyyy, kumokontra. Bakit? Selos ka? Palibhasa wala rin nagkakagusto sa 'yo. Kaya hanggang ngayon single ka pa rin!"
"Ano?!" Ay kw*nina. Hinahamon ata ako ng ugok na 'to.
"Karl, hindi." Nabaling 'yong tingin ko kay Kuya Kyle. Siya lang talaga ang nakakaintindi sa 'kin at matino sa kanilang dalaw—
"Hindi ka nagkakamali," dagdag niya sa sinabi niya at parehas silang humagalpak sa tawa ng kapatid niya. Aba mga ugok nga naman. Depunggol. Dapat talaga hindi sila hinahangaan eh. Lesson learned na ako mga tukmol!
Mabilisan akong lumapit sa kanila at isa-isa silang pinagbabatukan. T*ngna nilang dalawa!
"Aray!"
"P*ta! Masakit!"
Reklamo nila. Bagay lang sa inyo 'yan! Mga siraulo kayo!
"Ano nga sabi niyo?" tanong ko. Aasarin ko lang.
"Ang ganda mo, Tannie!" -Kuya Kyle.
"Ang cute mo, pramis!" -Kuya Karl.
Napangiti ako. Very good mga ugok. Tinalikuran ko na sila at pumasok sa ukay-ukayan. Hindi na nga nila sinalubong 'yong paborito nilang pinsan tapos aasarin pa ako? Ugok nga naman, bagay na bagay talaga 'yong tawag ko sa kanila.
"Tita!" Nakita ko si Tita na nasa tapat na naman ng calculator.
"Tannie?!" Lumapit siya sa 'kin at agad akong pinagpapalo. Tang*na?! "Ikaw na bata ka! Bakit ka andito?! Bumalik ka sa Manila at mag-aral ka!"
Anak ng! "Tita naman! Aray! Putek! Walang pasok ngayon! Weekends! Parang dadalaw lang eh!"
Tumigil si Tita sa paghampas sa 'kin at tumingin sa kalendaryo. Uso kasi tumingin kung ano'ng date ngayon. Nubayern! Napalo ng walang matinong rason. Magsama kayo ng mga anak mo Tita!
"Ay oo nga! Okay ka lang ba? Bakit ka pala umuwi? Na-mi-miss mo na kami?" Luh, baliw. Sino'ng magiging okay na pinalo ng walang rason at sinong makaka-miss sa kanila kung puro sila may sira sa utak?
Napailing nalang ako. "May pa-event ata si Mayora kaya balak kong sumali. May premyo kasing ten thousand pesos, sayang din."
"Singing contest ba 'yan? Sigurado kang kakanta ka na? Naku matutuwa ang mga magulang mo na ibabalik mo na ang talento mo sa pagkanta, Tannie!"
Napatigil ako. Kaya ko ba? Tama ba 'tong ginagawa ko? Makakaya ko ba na ibalik ulit ang talento ko? Hindi na ba ako masasaktan ulit? K*ngina, nagdesisyon akong sumali pero ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko.
Napabuntong hininga si Tita. "Okay lang 'yan. Okay lang kung 'di mo pa kaya. Huwag mo ipilit kung masakit pa."
Lumapit siya sa 'kin tapos niyakap ako. Napayakap din ako sa kanya.
"Hindi ko pa kaya, Tita. Pero kakayanin ko at baka sakaling mabawasan 'yong sakit."
Simula no'ng nahulog ako sa swimming pool at naalala muli ang nakaraan, napag-isip-isip ko na subukan kong ibalik 'yong hilig ko, 'yong pangarap ko. Kasi baka 'yon yung way para maka-move on ako at matanggap ang lahat.
"Mga ano'ng oras daw ba iyan?" tanong ni Tita habang kumakalas ng yakap sa 'kin.
"Mamaya pa. Mga hapon. Pwede pa makapagnakaw," sagot ko na agad ikinalaki ng mga mata ni Tita. Handa na siyang manermon.
"Ano'ng nakaw?! 'Di ba ang sabi ko—" hindi ko na pinatapos si Tita dahil alam ko na sasabihin niyan. Agad akong lumabas sa ukay-ukayan at nadatnan si crush na parang tino-talk show ng mga ugok.
"At bakit hanggang ngayon hindi ka magka-girlfriend?" tanong ni Kuya Kyle.
Ngumiti si crush na parang may inaalala. "Dahil siya lang nasa puso ko. Siya lang ang gusto ko. Hindi magbabago."
"Pre... Ang lalim naman no'n! Gaano ka kalunod?" Si Kuya Karl naman ngayon 'yong nagtanong.
Tumawa lang si crush. Ito na ba ang oras para i-uncrush si crush? Ay hinde. Think positive. Malay mo ako 'yon 'di ba? Eh paano kung iba? Napailing ako. 'Wag tayo maging assumera, maganda lang dapat.
"Crush, diyan ka lang ba? Magpapa-register ako sa singing contest eh," singit ko sa kanila. Aba dapat lang dahil baka kung ano na naman katarantaduhan gawin nila kay crush. Mahirap na.
"Sasama ako," sagot niya.
"Sasali ka? Sigurado ka? At saka, may naisip ka na bang kakantahin?" nag-aalalang tanong ni Kuya Kyle.
"Hindi natin sure 'yan ugok. Pero meron na akong naiisip na kanta." Sa totoo lang, wala pa talaga akong naiisip na kakantahin. Pumunta ako rito ng hindi handa. Gano'n ako kalupet.
"Bakit kailangan kasama si Claude?" Kahit kailan talaga. Ang epal nitong si Kuya Karl. Syempre magbo-bonding kami. Charot!
"Kuya, magpraktis ka na lang ng mapagpanggap mo. Tara na, Claude!" Hinila ko na si crush palayo sa kanila.
>>>>>
"HANDA na ba kayo?!"
Idol siguro ng MC 'yong host ng R4t3d K. Kapag kaya sinabi ko na hindi pa, magpapatuloy kaya itong event nila?
Nandito kami ngayon sa open na open na area. May pa-mini stage sa gitna kung saan nandoon nagsasalita 'yong MC. Hapon na kaya inuumpisahan na 'yong contest. Nakapagregister na rin ako. Inaantay ko lang 'yong pagtawag sa pangalan ko para kumanta. Kahit hindi pa ako handa at hindi rin ako sure kung makakanta ako, sumali pa rin ako. Sayang din kasi eh! Malaking papremyo 'to!
"Marami ata tayong contestant ngayon! Exciting 'to mga sissy!"
Exciting? Ako nae-excite ng sapakin ka! Ang tagal umpisahan eh! Nakakangawit kayang tumayo rito, ni hindi man lang nag-provide ng upuan. Ano mayora? Naghihirap ka na ba? Lol! Kw*nina.
"Our first contestant is..."
Ayan na sa wakas! Nag-umpisa na rin! Nakipalakpak ako nang pumalakpak 'yong mga tao rito. Syempre suportahan natin 'yong mga sumali kasi kami kami lang rin naman ang magsusuportahan. Gano'n kasi 'yon. Sumuporta ka para suportahin ka rin ng iba. Oh 'di ba? Ako lang sakalam.
Nagpatuloy lang 'yong contest at inaantok na ako. Ala sais na. Bakit ba ang tagal tawagin ng pangalan ko? Nasa pinakahuli ba? Patuloy tuloy akong kinakabahan.
"Oh tubig. Baka kinakabahan ka." Napatingin ako kay crush. Sweet naman no'n! Tinanggap ko yo'n at agad ininom.
"Salamat," sabi ko at binalik sa kanya 'yong mineral bottle. Nakita kong ininuman niya rin 'yon. Napangisi ako. Dapat pala nilawayan ko 'yon. Nakakakilig naman! Tsanggala ka crush! Pinapakilig mo ko eh!
"Sure ka ba?" tanong niya bigla
"Ang alin?"
"Ito. Sure ka bang kakanta ka?"
Napa-isip na naman ako. Ano ba? Mali ba 'yong naging desisyon ko? Hindi na ba dapat ako sumali? K*ngina, gulo ko ah!
"Hindi ko rin alam. Basta nagdesisyon na lang ako. Simula no'ng mahulog ako sa pool, ewan. Naging magulo na ata ang utak ko," sagot ko sa kanya.
"Lintik talagang Kill 'yan," bulong niya pero narinig ko pa rin kahit maingay. Tenga ko lang malupit.
"Wala naman siyang kasalanan." At bakit ko pinagtatanggol 'yong hokageng 'yon?
Napaismid siya tapos napailing. "Basta goodluck. Kaya mo 'yan. May tiwala ako sa 'yo!"
Tumingin siya sa akin na may ngiti sa labi.
Crush naman. Alam mo ba ang kahinaan ng mga babae kapag nasa harap nila ang crush nila? 'Yong kapag ngumiti 'yong crush nila! Kilig to the max 'yon! Naku, Claude! Sinasabi ko sa 'yo. Kapag ako tuluyang na-fall. Araw-araw kitang nanakawan! Nanakawin ko ang puso mo!
"Alam mo bang ninakaw ko rin 'yang puso--"
Ay t*ngina! Erase erase! Bakit biglang pumasok sa isipan ko 'yan? Tanggalin 'yang hokageng 'yan! Hindi maganda sa isip 'yan!
"Oo naman. Goodluck talaga!" ani ko at binigyan din siya ng ngiti.
Mainlab ka sa ngiti ko. Chars!
Goodluck na lang sa 'kin na 'di alam kung makakanta ba.
"And were now down to our last two contestant!"
Oh? Last two na? Ako na ata 'yong sunod. Potek ito na, kabahan ka na Tannie.
"Our next performer is Tannie!"
Ako na nga putek. Dumagdag tuloy 'yong kaba ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Sabi ko na ang tanga ko gumawa ng desisyon eh!
"Goodluck, my Tannie."
Hindi ko masyadong narinig 'yong sinabi ni crush dahil sa ingay ng palakpak pero sure akong 'goodluck' iyon. Ngumiti ako sa kanya at pumunta na sa mini stage.
Binigay sa 'kin ng MC yung mic kaya tinesting ko 'yun kung nakaon. Napatingin lang ako mikroponong hawak ko. Kaya ko ba? Makakanta ba ako? Nagbigay na ako minus one kaganina at inaantay ko nalang na i-play nila iyon. Pero sana 'wag na nila i-play. Oo na, ako na si Tannie. Si Tiffannie De Guzman na minsan bobo at minsan g*go.
Biglang nag-play ang music at do'n na ako nagsimulang manginig. P*cha! Umayos ka self kung hindi tatadyakan kita! 'Langya, sabi ko na eh. 'Di pa ako handa. Hindi ko alam kung bakit nagbabadyang lumabas ang mga luha ko. Nag-uumpisa na rin magbulungan ang mga nanonood at naggtataka kung bakit 'di pa ako kumakanta.
Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.
Naibagsak ko ang mikropono at agad tumakbo pababa ng mini stage na ito. Pero dahil may pagkatanga ako ay napatid ako ng wala sa oras. Handa na sana akong tanggapin na masusubsob ako nang may sumalo sa akin. Hindi nga ako nasubsob sa semento, sa dibdib naman ng taong 'to. Ang bango rin niya. Napaka-manly ng amoy niya at may kaamoy siya.
Pero teka nga!
Napaangat ako ng tingin at nakita ang taong hindi ko inaasahang sasalo sa 'kin. Ang leader ng mga ninja. Sabi ko na eh! May kaamoy siya, amoy ninja kasi na hindi man lang nagpapalit ng damit.
"Titingin-tingin din kasi sa daan minsan, Tiff."
T*gna. Okay na sana eh. Ang ganda na ng entrance niya pero 'yong sinabi niya ang nagpa-realize sa 'kin na hokage 'tong animalistic na ito.
'Yong kaninang paiyak na ako biglang natigil. Napalitan 'yon ng irap sa k*nginang hokage na 'to.
Lumayo ako sa kanya at umayos.
"Salamat," sabi ko at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko.
"Salamat lang?" Aba't! Ano ba dapat sabihin ko? Ang choosy naman ng hokageng 'to.
"Ano gusto mo? Welcome?"
"No. Samahan mo 'kong kumanta," sabi niya at hinila ako paakyat ulit ng stage
Pero napatigil siya nang may humawak sa kabila kong braso.
Si Claude.
"Kumanta ka na lang mag-isa mo, Kill," sabi ni crush.
"Why? Eh sa gusto kong siyang isama. Do you have a problem with that?"
"Kung meron, what will you do?"
Potek nag-eenglish na sila. Alam niyo naman na bobo ako sa english 'di ba? Kaya hindi na lang ako magsasalita.
Ang kinakabahala ko lang ngayon ay ang mga taong kanina pa nanonood at nakatingin sa 'min. Ang iba nakangiti tapos kinikilig. 'Yong iba naman dedma lang. Bitter 'yon kapag gano'n. Charot!
Pero tsanggala! 'Yong dalawa talaga na 'to ang laki ng problema sa mundo. Ako lang 'to si Tannie. Magnanakaw at maganda lang.
"Alam niyo, kayo na lang kaya magsama 'no? Do'n umakyat kayo sa stage. Go!" sabi ko at sabay tinanggal ang pagkakahawak nila.
Napa-flip nalang ako ng buhok sa kanilang dalawa.
Nawala tuloy 'yong lungkot ko. Magdra-drama na sana ako eh. Panira talaga 'yong dalawang 'yon.
Si hokage, natural ng siraulo 'yan. Si crush, matino talaga 'yan.
Ako, professional lang.
Pro ako sa lahat 'nu ba kayo. Basta pro, pro!
Napatingin ako kaagad sa stage nang may biglang nag-play ng kanta na kakantahin ko dapat.
Nakita ko si hokage na nasa stage at may hawak ng mic. Nandoon din si crush at may hawak din na mic.
Watdapak?
Ano'ng kalokohan ang balak nilang gawin?
Bakit nasa stage silang dalawa? Sinunod ba nila 'yong sinabi ko?
T*ngna!
Mga sira ulo nga naman!