BT: Chapter 6

1506 Words
"Hoy, Tannie! Ano ba? Bumangon ka na at aalis na tayo, 'nak." Epal nitong ni Mama. Ang ganda-ganda na ng panaginip ko eh, ginigimbala. "Ayaw mo? Sige iiwanan ka na lang namin. Pupunta pa naman kami sa Tita Kayla mo." Napabangon ako bigla ng wala sa oras. Nasa harapan ko si Mama na nakangisi. Letse. "Ma naman ih! Bakit 'di mo sinabi agad. 'Nu ba 'yan! Kitang ang tagal ko nang hindi nakikita si crush eh!" "Hon." Pumasok si Papa sa kwarto ko tapos dumiretso kay Mama. Nag-backhug siya kay Mama tapos hinalikan niya sa pisngi. P*cha! Naglandian pa nga sa harapan ko. "Ma, Pa. Puro kayo kalandian. Labas!" "Ay nak, harsh. Ikaw nga ang puro kalandian diyan eh." May kumokontra. Syete. "Puro ka si crush. Mukha mo si crush!" Ay aba't! "Pa naman?! Nakikisama ka rin sa trip ni Mama? Umalis na nga kayo at magbibihis ako!" Tinulak ko sila palabas ng kwarto ko habang nagtatawanan pa rin sila. Tsanggala! "Ang sarap mo talagang asarin, 'nak," dagdag pa ni Papa bago ko sila pagsarhan ng pinto. I can't bilibid! Umayos ako bigla nang may naalala. Kw*nina! Pupunta kami kela Tita! Makikita ko si crush! Ano susuotin ko? Naligo muna ako ng mabilisan bago tumingin sa cabinet ko para maghanap ng susuotin. Syempre makikita ko si crush dapat napaka-presentable ko noh. Dahil wala ako sa tamang pag-iisip. Nagsuot lang ako ng fitted jeans tapos black t-shirt. Naniniwala kasi ako na simplicity is beauty. Bumaba na ako para lang maabutan ang mga magulang ko na naglalandian na naman. "Ano na? Kailan tayo aalis sa kalandian niyo?" Bakit parang may pagka-bitter 'yong pagkakasabi ko? "Oyy, bitter alert siya!" Sira ulo talaga nito ni Mama oh. "Leggo."  Si papa na tumayo na at lumabas. Buti pa si Papa medyo matino pero minsan may saltik din. Eto naman si Mama ay talagang may saltik na! Nasa kotse na kami at puro kantahan lang 'yong naririnig ko. Magulang mo ba naman ay parehas vocalist ng banda eh. Pupunta kami kela Tita kasi may gig na naman sila. Ma-mi-meet ko si crush at syempre 'yong mga ugok kong pinsan. Namana ko sa kanila 'yong pagiging magaling sa pagkanta. Lahat ng tao marunong kumanta hindi lang lahat magaling. Oh 'di ba may sense. Matino kasi akong tao 'di tulad ng iba diyan. Pangarap ko nga na maging katulad nila eh, vocalist ng banda ganern o kaya singer. Syempre kahit naman medyo may pagkaabnoy tayo, nangangarap pa rin naman. "Tannie, oh." Napalingon ako kay Mama. May binigay siya sa 'kin na nakabalot pa sa gift wrap, regalo ata. Ahh nakalimutan ko, malapit na pala magpasko. Pa-advance? "Regalo namin sa 'yo ng Papa mo. Mahal 'yan kaya ingatan mo! Balahura ka pa naman." Napatawa ako sa sinabi niya. Iba ka talaga mother. "Maagang pamasko? O pa-birthday? Sa 24 pa birthday ko at sa 25 pa 'yong pasko. 23 pa lang ngayon." "Maagang pangbagong taon. Naku Tannie, mag-thank you ka nalang." Hayp na yan. Napagtulungan na naman po ako ng mga magulang ko. "Eh 'di thank you! Mula sa puso hindi sa ilong!" sabi ko at binuksan 'yong regalo. Woah! Ang ganda naman neto! Blue button down longsleeve checkered na hanggang tuhod. Napakagara naman tignan. Tiningnan ko 'yong likod. "Ano 'to? Bakit may pangalan ko?" "Kasi para sayo 'yan." "Lupet! Salamat mother father! And gentlemens!" Agad kong sinuot 'yong regalo nila. Ganda, bagay sa akin! Iba talaga kagandahan mo, Tannie! "Ingatan mo 'yan ha. Bukas suotin mo 'yan," sabi ni Mama. "Naman! Makakaasa ka mother!" sagot ko na may pa-salute pa sa kanya. "Saan ba tayo bukas mag-ce-celebrate?" tanong naman ngayon ni Papa. "Kayla Tita!" Masayang sagot ko. Para ayos 'di ba, makikita ko ulit si crush! Si crush na bumubuhay sa pagkatao ko. Charots! "Hindi! Bonding lang natin dapat. 'Di ba, Hon?" Ang epal talaga lagi nitong may saltik na ina ko. "Yup! I agree—" Hindi naituloy ni Papa 'yong sasabihin niya nang may malakas na busina kaming narinig. *beep beep beeppp!!!* Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa gilid namin. May truck na sasalubong sa 'min! Tang*na! "Pa, iiwa—" Hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko dahil nabangga na kami ng truck at napabulusok 'yong sasakyan namin sa bangin na tubig ang babagsakan. Huli na ang lahat. Nang bumagsak kami sa tubig. Unti-unti nang pinapasok ng tubig 'yong sasakyan namin. "T-tannie... O-o-okay ka l-lang, 'n-'nak? I love y-you.. M-mahal na m-m-mahal ka namin, o-okay?" Duguan si Mama at hanggang kalahati na ng katawan namin ang tubig na patuloy pa rin sa pagpasok. Hirap akong lumapit sa kanila at mahigpit silang niyakap. Kung ito na ang katapusan ko, okay lang. Masaya akong nakasama ko ang magulang ko sa huling hininga ko sa mundo. Hinding-hindi ako magsisisi. "I-I l-love you... T-tannie.. Stay s-strong.." Hinalikan ni Papa 'yong ulo ko at gano'n din si Mama. Lahat kami duguan at unti-unti itong humahalo sa tubig. Saklap p*ta! Ni hindi man lang ako nakaranas mag-birthday ulit. Ni hindi ko man lang na-feel 'yong pasko. Napahigpit 'yong yakap ko sa kanila. "M-mahal k-ko rin kayo.. S-sobra.. M-ma, P-pa..." huli kong sabi bago kami lamunin ng buo ng tubig. Hindi ako makahinga... Nahihirapan ako... Pero ang sakit ng dibdib ko.. Bakit? Bak— "TANNIE! Tang*ina! Gumising ka!" Naramdaman ko bigla ang pag-akyat ng tubig sa lalamunin ko kaya agad akong napaubo at napamulat. "Argh... K*ngina," sabi ko. Hindi pa ako maka-get over sa nangyari. Naalala ko na naman. Bwiset. Naramdaman kong nagbabadya 'yong luha ko kaya pinilit ko itong pigilan. Huwag ngayon, huwag dito. "Okay ka lang?" Napatingin ako kay Claude na nasa gilid ko. Nahagip din ng tingin ko si hokage na nasa paanan ko na basa na kanina, basa ulit ngayon. "O-oo. Siguro," sagot ko at tumingin sa malayo. Si crush siguro 'yong nag-CPR sa akin. Kaya pala ang sakit ng dibdib ko. Physical and emotional. "Kasalanan mo 'to eh!" Nagulat ako nang sumigaw si crush kay hokage na umaayos na ng tayo. "Claude...hindi...wala siyang kasalanan," pigil ko sa pagsisi niya kay Kill. Walang may kasalanan dahil aksidente ang lahat. Tumayo na rin ako. Agad naman akong inalalayan ni crush. Napatingin ako kay hokage na nakatingin lang sa amin. "Salamat, Kill." First time kong binanggit 'yong pangalan niya kaya nabigla siya. Napalingon naman ako kay crush. "Salamat din, crush." Binigyan ko sila ng tipid na ngiti at akmang aalis na nang parehas nila akong pinigilan. "Kaya mo na?" Claude "Hatid na kita," Kill Napatingin ako sa kanila pareho at nagkatinginan din sila. 'Yong tingin na makakapatay. Napabuntong hininga ako. Crush, wala kang panlaban kay hokage. Pangalan pa lang niyan nakakapatay na. Tumango ako at parehas tinapik 'yong balikat nila. "Okay lang ako. Hindi na kailangan ihatid. Salamat ulit." Napahugot ulit ako ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas. Kw*nina ang sakit! Mapapamura ka na lang talaga. Ang sakit malaman na ikaw lang 'yong nailigtas. 'Yong ikaw lang 'yong nabuhay. 'Yong tipong ayaw ko pa mamatay pero dahil namatay na mga magulang ko parang gusto kong sumunod sa kanila. Wala eh. Sino na inspirasyon ko sa buhay ngayon? Sila ang main. Sila ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa buhay pero ngayon, ewan ko, malay ko... Napatingala ako, ang clear ng langit. Pero p*tangina! Bakit sabay silang kinuha sa akin?! Masyado ba akong masamang anak? Gano'n na ba ako kakulit para mapagod sila at magpahinga na? Kasi p*cha! Hindi naman gano'n 'yon eh! Hindi 'yon gano'n... Paano na pangarap ko kung wala sila? Asan na sila kung kailan kailangan ko sila? Ang sabi ko no'n hindi ako magsisisi na mamatay sa oras na 'yon. Tapos ngayon, g*guhan talaga, nagsisisi akong nabuhay pa ako. Napangisi ako pero alam kong nagbabadya na ulit 'yong mga luhang gustong kumawala. 'Yong pagkawala nila ang dahilan kung bakit tinigil ko 'yong pangarap ko, kung bakit hindi na ako muling kumanta. F*ck this life! Ano na self? Ano na ulit tayo ngayon? Saklap talaga. Ready na ako no'n eh, tapos ganito? Wow! May pa-twist buhay ko gano'n? Tsanggala... May biglang tumulo na luha sa mga mata ko tapos nagsunod-sunod na. Nag-uunahan sila sa pagkawala. Sumamakit 'yong dibdib ko pati lalamunan ko. Bakit kasi gano'n? Kung kailan hinubog 'yong pagkatao ko 'tsaka naman ako binabalot ng lungkot. Akala ko naka-move on na ako eh. Akala ko limot ko na. Akala ko wala na. Akala ko hindi na masakit. Kaso t*ngna, akala ko lang pala. Nasa labas na ako ng gate ng school namin at himalang hindi ako pinigilan ng guard na lumabas. Feel niya siguro 'yong lungkot ko pati mga luha ko. Pinilit kong tumawa pero wala, fail. Sa oras ng lungkot hindi mo talaga makukuhang maging masaya. Naramdaman kong unti-unting may tubig na pumapatak mula sa langit at sumasabay sa mga luha ko. Hanggang sa bigla siyang lumakas at tuluyan akong nabasa dahilan para humagulgol ako na kanina ko pa pinipigilan. Saklap k*ngina! Patuloy akong naglalakad pauwi habang patuloy rin ang pagtulo ng mga luha ko at paghagulgol. Miss ko na eh... Higit pa si miss... Miss na miss ko na sila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD