Pagpasok ko sa apartment ko— wait! Dapat bang tawagin ko na 'to na bahay ko?
'Di na. Alam ko naman na aalis din agad ako rito. Magpapahuli ako sa mga pulis na nagnanakaw ako tapos magtatago ako. Magtatago lang ako ng magtatago hanggang sa mapagod silang hanapin ako. Tapos 'di na nila ako hahanapin kasi pagod na silang hanapin ako. Eh 'di happy na ulit ako sa pagnanakaw at hayahay na ulit kasi kapag nalaman 'yon ni Tita 'di na niya ako pipilitin na mag-aral ulit. Oh 'di ba? Talino ko?
Pero syempre, palaging may pero, charot lang 'yon. Ayaw ko naman ma-disappoint si Tita 'no. Tinagurian pa akong pro sa pagnanakaw kung magpapahuli ako. Kaya nga pro eh kasi pro. Hindi nahuhuli at hinding-hindi papahuli!
Simple lang naman 'tong apartment na kinuha ni Tita. Pagpasok mo kusina agad bubungad sa 'yo sa kanan tapos may pinto sa kaliwa, 'yong banyo. Tapos nasa harap ko na agad 'yong living room kasama na higaan. Walang sofa pero may TV naman tapos maliit na lamesa sa gitna. Nasa gilid 'yong kama ko katabi ng bintana. Maliit lang pero kasya naman sa isa o dalawang tao.
Okay! Tannie "Matipid Tips version 1.0", Tip 2!
Kung ikaw ang papipiliin ng bahay o apartment o condo o hotel o motel, ay joke. So eto na nga, pumili ka lang ng titirhan na alam mong magiging komportable ka. Hindi malaki o maliit basta tama lang sa 'yo. Tapos syempre, afford mo 'yong upa.
Matanong ko lang, kapag ba nag-upa ako ng apartment sa Korea, tatawagin nila akong mang-ooppa?
Korni, char! Huwag niyo na pansinin. Wala lang 'yon, oo.
Ah isa pa pala, 'yong apartment ko nasa tuktok. Nasa rooftop kaya medyo maganda ang view nakakagaan ng pakiramdam kasi nakikita 'yong tanawin. Sarap ngang maglagay ng telescope rito eh. Hindi pang-star gazing kung 'di paghahanap ng matatarget na pwedeng manakawan.
Alam niyo naman, kapag magnanakaw ay natural na sa isip nila ang pagnanakaw. Tingnan niyo ako, ako ang model ng mga magnanakaw. Iba kasi 'pag pro. When you say pro that's pro. Charot!
Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ko, oo tapos na ako kumain daldal niyo kasi hehe, may nag-message sa m3ss3ng3r ko. Gusto niyo ba ako i-chat? Bibigay ko sa inyo f4c3b00k name ko for free. Libre na lang basta kayo mag-friend request tapos message niyo ko ng, "Hi, Tannie. Ang ganda mo po.", ganyan dapat makikita ko sa chat box para i-confirm ko kayo.
Mahirap magkautang sa magnanakaw kaya habang libre pa kunin niyo na 'yong chance. 'Wag na kayong choosy tulad no'ng dalawa kong ugok na pinsan.
At speaking of, isa lang naman sa dalawang tarantado kong pinsan ang nag-chat.
( Kyle De Guzman
•Active now
Tannie! Si Karl nahuli ng mga pulis! Pinaghahanap din kami! Sh*t! Ikaw rin magtago ka! )
Ano? Ano raw?! Totoo ba 'tong pinagsasabi ng lokong 'to? Anak ka ng nanay mo! P*ta naman ni Kuya Karl, sinabi na kasing tularan ako eh!
Pero 'di pa ako tuluyang naniniwala sa ugok na 'to. Alam niyo naman may mga saltik 'yang mga 'yan.
( Lah ka, totoo ba 'yan? Mamaya wow mali lang 'yan Kuya Kyle. Nako. N*mo ka. )
Nakita ko naman na nag-type siya agad.
( Mukha ba akong nagbibiro? N*mo ka rin! Totoo 'to, Tannie! Code blue na! Si Mama namumutla na. )
P*tangina! Totoo na 'to. 'Di na 'to biro. Kapag code blue na iba na 'yan! Dali-dali kong pinindot 'yong video call para makita ang kalagayan nila.
"Animal kayo, mga ugok talaga," kalmado kong sabi.
Bakit? 'Yong dalawa kong ugok na pinsan ay nakaharap lang naman sa screen with matching taas ng kanilang kanya-kanyang middle finger at mga nakangiti! Sabi ko na eh! Jino-joke time ako ng mga tarantado! Lesson learned ako ngayon. Hindi dapat basta-basta nagpapaniwala sa dalawa kong ugok na pinsan.
[Epektib ba? Lupet namin 'no?] –Kuya Karl
"Oo na lang. Mga g*go kayo! Pinakaba niyo ko! Hinding-hindi na ako papauto sa inyo! Litsi! Mga gnidab!"
[Izwaprank, Tannie. Happy birthday! Hahahahaha!] –Kuya Kyle
Saya niyo naman. Naol.
Nagkunyare akong napaiyak.
"Salamat. Naalala niyo pa pala ang birthday ko?"
[Syempre naman! Paborito ka naming pinsan eh.] –Kuya Kyle.
[Na-touch ka 'no? May cake pa kami rito. Uwi ka sa sabado.] –Kuya Karl.
"T*ngna niyong dalawa! Sa December pa birthday ko mga ugok! June palang ngayon! Anak ng, mga obob!"
Pinakapaborito pa nga. Napakagaling. Mga hayop sila. Pag-untugin ko sila pareho eh.
[Uy sabi mo June? Awit ka Karl! Sayang 'yong cupcake na binili mo.]
[Tanga, bakit kase 'di mo rin alam. Ilang taon na natin kasama 'di mo matandaan birthday.]
[Parehas tayong tanga, baliw!]
[Kainin na lang 'yang isang pirasong cupcake. Sino kakain? Ikaw o ako? Mura lang naman 'yan syete. Bili ka nalang ng iyo.]
Cupcake? Akala ko ba cake 'yong binili nila? Anak ka nga naman oo oh. Napakashunga ko para maniwala sa kanila.
"K*ngina niyong dalawa!"
Huli kong sabi bago in-end call 'yong tawag. Sinayang ko data ko sa mga tukmol. Ang lakas nilang mag-usap ng katangahan nila sa harapan ko. Sa harapan ko pa mismo! Kahit na nasa screen 'yon, nakaharap pa rin naman sa 'kin! Tsanggala!
Alam niyo kasi 'yong mga 'yon. Tao 'yong mga 'yon mukha lang hayop. Sa lahat ng pinsan ko, sila lang 'yong ka-close ko kasi sila palang naman 'yong nakikilala ko. Charot. Aminin ko man o hindi, sa kanila lang ako mas nakakaginhawa. 'Yong komportable ako kapag sila ang kasama ko. Hindi ko alam bakit pero siguro kasi ay pare-parehas kami ng mga trip. Pare-parehas kaming maloko kaya palaging naii-stress samin si Tita. Pero panggap lang din 'yon si Tita. Sira ulo rin 'yon eh. Quiet lang kayo ah. Baka isumbong niyo ko, eh 'di hindi ko kayo i-co-confirm.
>>>>>
PANIBAGONG araw panibagong magandang araw. Lols. Breaktime namin ngayon kaya heto 'ko at naghahanap ng mapagtatambayan.
Ayoko sa room kasi nandoon 'yong mga kaklase kung maiingay dahil sa ML. Ewan ko ba bakit maraming naaadik diyan sa larong 'yan. Kung ako sa inyo magnakaw na lang kayo! Mae-enjoy niyo do'n nang hindi lang nakaupo.
Sa rooftop ako pumunta pero napaka nga naman. Ang daming naglalampungan na estudyante rito. Walang poreber diyan! Magnakaw na lang din kayo, may poreber pa!
Bakit sa mga libro napaka-free ng rooftop at walang tao? Iba nga namam ang reality sa fictionality, ay charot!
Kw*nina, saan ako tatambay ngayon? Haba pa naman ng free time namin dahil absent 'yong next teacher namin. Wala rin si crush dahil may pinuntahan na emergency. Gusto ko ng tahimik na lugar! 'Yong makapag-iisip ako kahit wala akong iisipin! My ghad ch4cki3!
Napunta ako sa swimming pool area nitong school. Oh 'di ba pak na pak 'yong school namin, may pa-swimming pool. Close area 'to tapos katabi lang ng malawak na field. Sporty ata school namin. May open field na, may court na, may swimming pool area pa! Kaya enrol na!
Pumasok ako sa loob at buti na lang! Buti na lang walang tao! Sa wakas, may pagtatambayan na rin!
Lumapit ako sa swimming pool at umupo sa gilid. Medyo malayo sa tubig. Kung 'di niyo naitatanong, may trauma ako sa tubig. 'Yong tubig kagaya ng swimming pool, dagat, ocean, river, basta ganyan. Hindi ako natatakot kung titingnan lang, sadyang may naaalala lang. Pero ibang usapan na kapag lumubog ako d'yan.
Kitang-kita ko 'yong linaw ng tubig tapos 'yong parang linya-linya niya. Indication ata 'yon para alam siguro ng mga players kung saan lang dapat sila.
'Di kasi ako maalam sa sports. Konti lang, mga gan—
"P*tangina!"
Gulat akong napatayo dahil k*ngina! May shokoy! Tsanggala!
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" tanong no'ng kupal na yayamanin na magnanakaw rin! Si hokage!
"Anak ng! May shokoy!"
"Shokoy? Wow! Sa pogi kong 'to i-co-compare sa shokoy? Nasaan ang utak mo, Tiff?"
Ang hangin naman dito! May paparating bang bagyo? Mga ano'ng signal? Grabe ang lakas ng hangin!
Hindi naman halata na nagmamayabang siya.
Inirapan ko lang ang hokage at hindi sinagot 'yong tanong niya. Umahon siya sa swimming pool. Wala siyang damit pang-itaas pero naka-swimming shorts naman tapos may goggles siyang suot.
Wow abs! Infairness sa katawan ni hokage ah, may panlaban.
Tinanggal niya 'yong parang bonet ba 'yon na nilalagay ng players sa ulo nila para walang distraksyon tapos ginulo niya 'yong buhok niyang magulo na.
Sabi kasi sa inyo hindi ako maalam sa sports kaya hindi ko rin alam mga tawag sa suot nila. Basta may suot 'yon na 'yon. Papahirapan pa akong mag-explain eh.
Napaka-honest kong tao 'no? Kaya dapat talaga sa akin tinutularan.
"Hoy, tinatanong kita." Lumapit siya sa 'kin kaya lumayo ako. Pero lumalapit pa rin siya kaya umaatras din ako.
G*gong hokage 'to, bakit ba siya lumalapit sa akin? Oo napaka-attractive ko totoo 'yan pero 'wag naman kayo masyadong obsess sa kagandahan ko. Ako lang 'to guys, kalma.
Grabe, ang assumera ko.
Hindi ko ulit siya sinagot. Ano bang isasagot ko sa kanya? Nasaan nga ba ang utak ko? Eh 'di nasa ulo ko. Tanga talaga ng hokage na 'to. Hindi marunong gumamit ng common sense? Duh.
"Alam mo ang bo— P*ta!"
Sa kakaatras ko ay hindi ko namalayan na tubig na pala 'yong babagsakan ko. Anak ka nga naman ng nanay at tatay mo oh!
Huli ko nang na-realize dahil namalayan ko na lang ang sarili ko na nakapikit habang nasa tubig. Kakasabi ko lang na ibang usapan na kapag nahulog ako rito. Kasalanan 'to ng tupanggalang hokage eh!
"Tiffannie!"