"What's happening here, aliens?"
Kanina pa kami nagtitigan nito ni hokage habang may ngisi sa labi ko. Ano'ng akala niya, sasagutin ko 'yong tanong niya? Asa! Hindi ko nga rin alam sagot tapos tatanungin pa 'ko?
Si crush napailing nalang sa sinagot ko, hindi man lang ako sinuportahan. Kw*nina niya!
"Attention, aliens! Go back to your proper seats!"
Isa pa 'to. Sino bang aliens tinutukoy niya? Mukha ba kaming aliens, ha? Sa ganda kong 'to ihahalintulad niyo sa alien? Hindi pwede!
Tiningnan ko 'yong tumatawag sa 'min na aliens. Teacher ba namin 'yan? Siguro nga, nasa unahan kasi.
May biglang pumitik ulit sa noo ko kaya napahawak ako do'n at napatingin sa sira ulong hokage na nakangisi na. Sinamaan ko siya ng tingin bago siya umupo sa upuan sa likod ko. Talaga nga naman. Sa dinami-dami ng upuan, d'yan pa niya napiling umupo.
"Okay class, attendance tayo. I will call your name and you say present." Tinuon ko 'yong atensyon ko sa teacher na nasa harapan. "I will call the boys name first."
Hindi na ba ladies first, ma'am? Pero sino ba kasing nagpauso niyang ladies first na 'yan? Eh halata naman na 'di masusunod dahil sa panahon ngayon wala ng gentleman na tao. Magnanakaw nalang ang gentle sa mundo. 'Di niyo gets? Bahala ka d'yan.
"Alcantara, Claude Kiel," tawag ni ma'am.
Ang galing naman ni crush, unang-una ang pangalan.
Nagtaas ng kamay si crush bago sinabing, "Present, Ma'am!"
Nagpatuloy lang 'yong pagtawag ni ma'am ng pangalan hanggang sa matawag 'yong pangalan ni hokage.
"Houston, Killenster."
Killenster? Kaya ba Kill? Lupet naman ng mga magulang nito ni hokage, mahilig siguro sila sa p*****n.
"Here!"
Napatingin ako sa likod ko. Nakataas ang kamay tapos nakatingin kay ma'am. Bobo naman ni hokage, sabi ni ma'am 'say present'. Hindi 'here', tanga talaga.
Tiningnan niya rin ako tapos nagtaas ng kilay. Nagtaas din ako ng kilay at inirapan siya bago tumingin sa harapan, babae na tinatawag ni Ma'am. Bakla ba siya? Tataas-taas siya ng kilay niya diyan, sipain ko siya eh.
At kung binibwiset ka nga naman. May biglang sumipa sa upuan ko mula sa likod at alam niyo na kung sino. Ang sira ulong hokage lang naman. Lumingon ako sa kanya.
"T*nginamo," sabi ko nang walang boses pero alam kong maiintindihan niya. Inayos ko ba naman 'yong buka ng bibig ko eh.
Nakita ko rin na binuka niya 'yong bibig niya at may sinasabi.
"Number mo muna, zero nine plus?" May boses 'yong kanya pero mahina lang.
Tsanggalang lalaki 'to, hanggang ngayon number ko pa rin hinahanap.
'Di ko siya sinagot pero tinaas ko 'yong middle finger ko na alam kong makikita niya. Gunggong siya. Wala akong balak ibigay ang number ko sa hokageng tulad niya!
"De Guzman, Tiffannie."
Nagulat ako nang tawagin ni ma'am pangalan ko kaya napataas agad ako ng kamay.
"Present, Ma'am!" sabi ko
Tiningnan ako ni ma'am ng matagal. Bakit? Unique ba pangalan ko, ma'am? Namamangha ka na ba sa pangalan ko? O baka naman sa kagandahan ko, ma'am?
"Pinap*kyuhan mo ba ako?" tanong niya.
Pinagsasabi ni ma'am? Minumura ba ako ni ma'am? Ano'ng p*kyu?
Anak ng! Napatingin ako sa nakataas kong kamay na hanggang ngayon ay 'di ko pa binababa.
Tanga, naitaas ko pala 'yong tayong -tayo kong gitnang daliri. Woah, nakaka-proud naman!
Mabilisan kong binababa 'yong kamay ko at nag-sorry kay ma'am. Narinig ko pang tumawa 'yong mga kaklase ko. Saya-saya, tawa pa. Sarap niyong p*kyuhan lahat!
Napatingin ako sa likod ko at sinamaan ng tingin ang leader ng mga ninja. K*ngina niya, dahil sa kanya napahiya ko 'yong sarili ko. Bwiset!
>>>>>
"TANNIE, sabay na tayo."
Napalingon ako kay crush habang nagliligpit ako ng gamit. Uwian na namin at syempre pinakapaborito kong oras kaya masaya ako! Uwian na! Magnanakaw na ako! Kaso ipinagbabawal pala ng nanay ng dalawa kong ugok na pinsan.
"Sabay? Saan ba bahay mo, crush?" Nang mapuntahan at madalaw ang mga magiging 'in laws' ko. Ako na magpaplano sa future natin, crush. Chill ka lang at mag-go with the flow ka lang.
"Kahit naman sabihin ko sa 'yo 'di mo rin alam kasi 'di ka naman taga-dito."
Malas nga naman. Ipinagdadamot pa nga ni crush.
"Damot. Parang sasabihin lang eh. Uso naman mag-explore, crush," nakasimangot na sabi ko at lumabas na ng room.
Dirediretso lang ako ng lakad hanggang sa makalabas ako ng gate.
Lumingon muna ako sa likod ko dahil hindi ata ako sinundan ni crush. Nakakainis naman! Akala ko pa naman susuyuin niya ako pero nakita ko siyang may kausap na babae.
Sa mga drama na lang ata 'yong mga ganyang da-moves ng mga lalaki. Mga scripted at 'di tunay!
May biglang huminto na kotse sa harapan ko. Ang taray, mukhang mayaman sakay neto ah. Sarap mong nakawan kung gano'n.
Bumaba 'yong salamin sa backseat ng kotse kaya napatuon ang atensyon ko do'n.
Hayop! Babawiin ko na 'yong sinabi ko kaganina!
Hindi ko na nanakawan 'tong sakay ng kotseng 'to! Bakit? Eh pa'no ba naman 'yong sakay, magnanakaw rin! Ano inanakaw ko kung nanakawin niya rin 'di ba?
"Hey," bati niya.
Hey? Ano 'yan? Ano'ng hey-hey 'yan? Huwag mong sabihing may balak na naman siyang pahiyain ako? Ni hindi ko pa nga nalilimutan 'yong nangyari kaganina! Naku k*ngina ka!
"Lul, shattap," bati ko rin sa kanya.
Oh 'di ba? Kung babatiin niyo ko ganyan ibabati ko sa inyo. Kaya kung ako sa inyo, happy birthday nalang ibati niyo sa 'kin para 'di ko kayo mamura.
"Kotse mo?" tanong ko.
Tinanong ko na. Mamaya baka nakikisakay lang pala siya eh 'di na wow mali ako.
Nagtaas siya ng kilay bago sumagot.
"Hindi ba obvious? Bakit naman ako sasakay sa kotseng 'to kung hindi akin? Stupid."
Parang nagtatanong lang kung kotse mo gagalit ka agad. Bakla talaga 'tong si hokage.
"Malay mo ninakaw mo lang at nakikiangkin ka lang." Syempre 'di ata tayo papatalo.
Ngumisi siya. "Sino ba magnanakaw sa 'tin? Ha, Tiff? Tiff the thief? Bagay 'di ba?"
Ay tarantado! Ginagalit ata ako ng tukmol. Baka nalilimutan niya rin na magnanakaw rin siya?
"Tannie, hatid na kita!" Tinapik ni crush 'yong balikat ko. Napatingin kaming dalawa sa kanya.
Oh, crush tapos ka na bang makipaglandian? Ay bitter alert si ako.
"Yow, Claude. Close pala kayo? Pahingi nga ng number niya." Aba't 'di talaga papayag ang loko na 'di makuha ang number ko!
"Crush, huwag. Sira ulo 'yan 'wag mo pinapansin," sabat ko.
"Wala rin akong number niya. At kung meron man 'di ko rin ibibigay sayo."
Sinungaling din pala 'to si crush eh. Bagay talaga kami.
"Sir, aalis na po ba tayo? Hinahanap ka na po sa inyo," singit nung—
Sino 'yon? Huwag mong sabihin na driver ni hokage 'yon? Ibig sabihin kanya talaga 'tong kotse? Waw! Hindi nga ako nagkamali na yayamanin 'tong ugok na 'to. Pero magnanakaw rin naman.
Sumilip ako ng konti sa loob bago nagsalita.
"Kuya, amo niyo 'to?" Walang hiyang tanong ko.
Makapal kasi feslak ko. Uso naman kasi magtanong basta 'wag ka lang mahihiya. Hiya-hiya pa mamatay lang din naman.
Hindi sumagot 'yong kuya. Ay snober, kupal. Kupal ka kuya! Magsama kayo ng amo mo kung amo mo nga siya!
"Hatid na kita, Tiff."
Epal. Alam niyo bang ayaw ko na tinatawag akong Tiff? Bakit? Kasi ayoko lang walang rason! T*nginang hokage 'to. Sinisira araw ko.
"Ako maghahatid sa kanya, pre. Narinig mo naman 'di ba?"
Aba crush, palaban ka ah. Haba naman ng hair ko. It's time to crushback na ba crush?
"Nauna ko siyang nakita, Claude."
"Nasa loob ng room ko pa siya niyayaya."
"Oh? Eh bakit wala siyang kasama nung lumabas?"
"Nauna lang siyang maglakad."
Luh, crush. Kasinungalingan na 'yan. Ayaw mo kasi ibigay address ng bahay niyo. Ipinagdadamot mo! Kaya 'di ko rin ibibigay address ko. Hindi ko ipapaalam sa 'yo, crush. Maski kay hokage.
Tumalikod na ako sa kanila at nagsimulang tahakin ang daan patungo sa apartment ko. Bahala sila mag-away diyan. Mga bugok sila.
"May kotse ako ikaw wala. Mas mabilis 'to kaysa maglakad."
"So? Hoy, Tannie! Ayst, kulit talaga!"
Naririnig ko pa rin sila dahil hindi pa naman ako nakakalayo. Nagtaas ako ng kamay bago huminto at humarap sa kanila.
Ngumisi muna ako bago ipinakita 'yong middle finger ko.
"Walang susunod!" sigaw ko dahil baka sundan nila ako.
Eh 'di nalaman nila kung nasaan tinutuluyan ko. Sayang lang plano kong 'wag ipaalam sa kanila. Nagsimula ulit akong maglakad. Narinig ko pa silang nag-uusap ulit.
"Hatid na kita, pre."
Ang gunggong talaga ng hokage na 'to.
"In*mo," sagot ni crush sa kanya.
Napatawa ako ng mahina. Crush ko 'yan!