"Eto na, eto na! Nandito na! Nandito na nga ako. Ulit ulit ka, Tita."
Tsanggala nito ni Tita, akala niya siguro hindi ako papasok.
Nasa tapat na nga ako ng school eh. Kanina pa kami magkatawagan, ni hindi pa niya binababa 'yong phone. Ang bastos naman kung ako magbababa 'di ba? Alam niyo naman, good girl ata tayo.
[Siguraduhin mong g*ga ka ah. 'Pag ikaw nako. Tatamaan ka sa 'kin.]
At nagbanta pa nga. Iba ka Tita.
[Hoy Tannie, magtino ka! Nandito kami ni Karl para tulungan ka kung may hindi ka alam sa lesson.]
[Matik yan! One call away men!]
Umepal na rin 'yong dalawang ugok. Ako na lang ata talaga ang matino sa 'min. Mga may tama na sila sa utak. Sarap nilang ipa-check up, sa truth lang.
"Lul. Wala akong matututunan sa inyo kung 'di katarantaduhan kaya thanks but no thanks mga ugok! Babye na nga!"
Pinindot ko na 'yong end call button. Ako na nagpatay para happy. Alam ko naman na nae-enjoy silang kausap ako. Nami-miss nila ako masyado 'tsaka 'yong kagandahan ko.
Ito na naman tayo sa school na 'to. Nasa tapat na ako ng gate nila pero 'di pa ako pumapasok. Ewan ko ba sa mga paa ko at ayaw umandar. Lumingon ako sa likod ko kung nasaan 'yong mall.
Woah! Ang sarap talagang magnakaw d'yan. Kailan kaya ako makakapagnakaw ulit? Nami-miss ko nang magnakaw kahit kananakaw ko lang kahapon.
Sa pagnanakaw ko natutunan na kahit wala kang jowa pwede kang sumaya. Kaya 'wag na kayo magjowa, magnakaw nalang kayo. May poreber sa pagnanakaw!
Lumingon ulit ako sa gate nitong school. Hayst! Tumingin ako sa paa ko.
"Ano? Wala kang balak umandar man lang?" Kausap ko 'yong mga paa ko. Papagalitan ko lang saglit. Napatingin ulit ako sa gate. Teka lang! Ano 'yon? Bakit parang pamilyar 'yong feslak no'ng sira ulong 'yon?
Pinanliitan ko pa 'yong mata ko.
Anak ng! Siya nga! Tsanggala!
Nang dahil sa kanya mabilisang kumilos 'yong mga paa ko at naging masaya 'yong mood ko. 'Yong labi ko na ngumiti mula sa pagkasimangot. Potek! I can't bilibid!
Mabilis kong inakbayan 'yong lalaking dahilan ng pagbago ng mood ko. Nagulat siya sa ginawa ko at tumingin sa 'kin na nagtataka.
"Hey crush," tawag ko habang nakangiti pa rin.
Biglang umaliwalas 'yong kaninang nagtataka niyang mukha. Uh huh, naaalala niya pa kaya ako?
"Tannie?!" And that's the answer to my questio— Ay k*ngina! Bakit ako nag-eenglish? Kuya Karl! 'Yong mapagpanggap mo paki-behave!
"Wala ng iba, crush," sagot ko at inalis ang pagkakaakbay sa kanya.
"'Di nga? Totoo ba 'to? Ikaw ba 'yan?" Hinawakan niya pa 'yong mukha ko. Kailangan bang may paganyan, crush?
"Alam mo ang ogag mo. Tigilan mo nga 'yan sira ulo."
"Ikaw nga, Tannie! 'Yong bunganga mo iba pa rin!" Tumatawang sabi niya.
Nagkunwari akong naglagay ng hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.
"'Nu ka ba! Ako lang 'to. Kalma lang," pagbibiro ko.
Tumawa ulit siya. Nako nako, crush. Tigil-tigilan mo 'yan ha, naiinlab ako lalo! Tsk! Tsk! Charot! Landi ko naman.
"Saan room mo?" Napabalik ako sa wisyo dahil sa tanong niya.
"Huh? Ewan ko saan room ko. Hahanapin ko pa. Ikaw kasi eh, kinausap mo ko. Naudlot tuloy paghahanap ko."
Isa iyang kasinungalingan! Ang totoo kasi niyan ay naglalaban ang kalooban ko kung papasok ba ako o magnanakaw.
Sino ang mas dapat piliin? Skwela o pagnanakaw? Dito lang sa, Tonight with Tannie the Pretty!
Okay korni, tama na.
"Nasisi pa nga. Tara hanapin natin pangalan natin. Do'n tayo!" sabi niya at inakbayan ako.
Anak ka ng! Kinikilig ako! Si long long long lost crush ko ay hindi na lost. Hihihihi!
Kung nagtataka kayo kung sino siya. Well,— charot mag-eenglish pa nga. Joke lang, seryoso na nga.
Siya lang naman si Claude. Ang matagal ko ng crush pero hindi ako crinushback. Sad. Masakit pero tanggap ko na.
"Ito pala room ko," sabi niya habang tinitingnan 'yong pangalan niya sa labas ng pinto ng room.
Nakitingin din ako at inalis 'yong akbay niya.
At maling-mali iyon! 'Di ko dapat ginawa 'yon! Naniniwala na ako na nasa huli ang pagsisisi.
Pinagpatuloy ko na lang 'yong paghahanap ng pangalan ko. At tingnan mo nga naman. Tadhana talaga napakabait.
"Crush," tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa 'kin na nakataas ang kilay. Alam na alam ata niya na siya 'yong tinatawag ko. Malamang, siya lang naman 'yong tinatawag kong crush eh. Tanga rin eh.
"Classmate ata kita. Hi!"
Nanlaki ang mata niya at hinanap din 'yong pangalan ko. 'Nu ba 'yan, crush! Para ka namang walang tiwala sa 'kin.
"Totoo nga! Tara na sa loob!" Sabay hila niya sa pulsuhan ko. Dapat sa kamay, crush! Hina mo naman eh! Basta ikaw, libre tsansing.
Okay, Tannie, tama na. Masyado ka ng naglalandi. Itigil!
Pagpasok namin sa room at kita ko agad ang pagkagara ng school. May pa-aircon si Principal! May pa-white board din at pa-locker! Napakayayamanin nga naman oh!
'Yong mga upuan one sit apart. Taglimang row at column. Nasa likod 'yong locker tapos nasa taas 'yong aircon. 'Yong pinto sliding pati bintana. Wow grabe!
Umupo ako sa tabi ng bintana na kita 'yong labas. Ang laki naman no'ng field nila! May covered court pa sa gilid. Iba ang school na 'to! Bongga!
Nasa katabing upuan ko si Claude. Sa may bandang kaliwa.
"So, ano? Kwento ka naman."
Napalingon ako sa kanya. Ano'ng ako? Hindi ba dapat siya? Ang tagal na rin no'ng huling text niya ah!
"Mema. Ikaw dapat ang may kwento."
"Psh. Wala namang kagandahan sa buhay ko. Bukod sa...mas naging sikat ako." Nahihiyang napangiti siya at napakamot sa batok. Hoy! Si crush pahumble!
"Weh? Bakit parang 'di ko ramdam?"
"Ito naman! Ayoko na nga. Bahala ka diyan."
Luh. Nagtampo.
"Uy crush, joke lang naman eh. Bakit ka naging sikat, crush?"
Ngumiti pa ako sa kanya. Alam niyo sa totoo lang, kanina pa ako naiilang sa mga tinginan ng mga babae sa loob ng room. Hindi ko alam kung sa akin sila nakatingin o kay Claude.
"Basketball player kaya ito. Ace pa kamo." Pinagmamayabang niya pa nga.
"Magaling ka ba mag-basketball? Parang hindi naman ah?" Nagkunwari akong tumingin sa itaas na parang nag-iisip. Inaasar ko lang.
"Tannie!" At nagalit na nga siya. Tumawa ako sa naging reaksyon niya.
"Ikaw naman, nagnanakaw ka pa rin?" pag-iiba niya ng topic.
"Syempre naman. Kahapon nakapagnakaw pa ako. Kailangan kasi 'yon kapag pro ka," sabi ko pero bigla rin nalungkot nang may maalala. Si Tita kasi eh! Ang sarap sapakin!
"Pero ang sabi ni Tita, tigil daw muna ngayong pasukan. Focus daw muna sa pag-aaral."
"Oh? Eh 'di ayos! Para naman gumanda future mo."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka nakakatulong, crush."
Ngumiti lang siya sa sinabi ko. 'Naol masaya.
"Kamusta pala si Tita? Sina Kuya Karl at Kuya Kyle?"
"Ah 'yong mga 'yon? Pina-mental ko na. Mga may sira kasi sila sa ulo."
"Kakaiba ka, Tannie. Nang dahil sa sagot mo nalaman ko na maayos lang sila," sarcastic niyang sabi.
"Syempre naman," sabi ko at tumingin sa harap kung saan may kakapasok lang na lalaki na naging dahilan ng pagsitilian at kanya-kanyang bulungan ng mga kaklase ko.
Nanlaki bigla 'yong mga mata ko. Shut*nginamerz!
Ano 'yan?! Kaklase ko 'yan?! 'Yong yayamanin na magnanakaw rin?! P*cha! 'Di nakakatuwa ah!
Nakita ata ako ng gunggong kaya lumapit siya banda sa 'min. Huminto siya sa harap namin ni crush. Ngumiti lang siya sa 'kin tapos pinitik 'yong noo ko. Hayop! Ano'ng trip niya?
Bumaling siya kay crush. Oh? Baka magkakilala kayo?
"Claude." Aba't! Magkakilala nga!
"Kill." Kill? Pinagsasabi nito ni crush? Ano'ng kill? Patay ganern?
"Uy, ano'ng "Kill"? Sino papatayin? Crush, 'di ako mamamatay tao ah. Magnanakaw lang," pabulong kong pagsingit sa kanila.
Tumingin ako sa paligid at napansin na natahimik ata ang buong klase? Nakatingin pa sila banda sa 'min. Buti nalang binulong ko 'yong sinabi ko. Kung 'di paktay na! Hule!
Binalik ko 'yong tingin ko sa dalawang baliw. Sinamaan ako ng tingin ni crush samantalang si hokage ay tumawa. Kumunot ang noo ko sa kanya.
Tumigil siya sa pagtawa at lumapit banda sa 'kin. Problema nito? Huwag mong sabihin na may gagawin na naman 'tong katarantaduhan? 'Di uubra sa akin 'yang hokage style niya!
"You," sabi niya.
Napaturo ako sarili ko. Ako? Bakit ako?
"Bakit palagi mo kong tinatakbuhan tuwing kinakausap pa kita?"
Napalunok ako. Ahm... 'Di ko rin alam eh. Instinct ko na siguro 'yong nagsasabi na dapat lumayo ako sa leader ng nga ninja. Wala na akong magagawa diyan.
"At bakit palagi mo kong minumura kapag aalis ka?"
Ow! Ibang usapan na ata 'yon.
"Alam mo kung bakit?" tanong ko nang nakabawi sa mga tanong niya.
Tinatakot niya ba ko? Pwes, 'di ako natatakot. Ngumiti ako sa kanya nang makita siyang nagtaas ng kilay at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Kasi pwet mong may raket," sagot ko bago ngumisi.