BT: Chapter 2

1668 Words
"Congrats men!" bati ni Kuya Karl.   "'Yon naman idol!" sabi naman ni Kuya Kyle.   Ano 'yon? Anong meron? Anong kalokohan pinagsasabi nila?   "Ha?" tanong ko kasi 'di ko maintindihan kung anong nangyayari. I need an explanation! I need an acceptable reason! Charot!   "Hatdog." Tingnan mo nga naman, nagtatanong ka nang maayos tapos ‘di matino 'yong isasagot. Sinamaan ko ng tingin si Kuya Karl.   "Happy birthday," sabi ko sa kanya na may mapang-asar na ngiti.   "Happy New Year."   Aba't! Hinahamon ata ako nito.   "Happy Death Day," saad ko.   "Happy Valentines Day," saad naman ni Kuya Karl.   "Happy anniversary sa'yo na walang jowa," pang-aasar ko naman.   "Happy monthsary muna sa 'yo na wala ring jowa."   Anak ng! Talaga nga naman oh!   "Happ—" Babanat pa sana ako pero…   "Hay nako! Tumigil nga kayo! Mga sira ulo." Pinigilan na ni Tita ang susunod ko sanang sasabihin.   "May mga hablig kasi, Ma." Ang epal naman no'ng nagsabi no'n.   "Hay naku, Kuya Kyle! Baka nakakalimutan mong ikaw ang mas may hablig sa 'tin?" mataray na sabi ko sa kanya.   "Oo nga! Akala mo talaga mabait eh," dagdag pa ni Kuya Karl. Hah! Buti nga sa'yo.   "What's wrong with you two?"   Luh. Nag-english. Umalis siya pagkatapos niya sabihin 'yon. Nagalit ata. Sinong nagturo mag-english do’n? Tiningnan ko si Kuya Karl.   "Bakit parang nakakahawa 'yong pagiging mapagpanggap mo?" tanong ko sa kanya.   "Ul*l g*go!" sagot niya sa matino kong tanong at pagkatapos ay nag-walk-out din. Kita niyo 'yon? Walang kwenta pagtanungan 'yon kaya 'wag kayong magtatanong do'n.   "Kayo talagang mga bata kayo, mga pasaway! Oh, Tannie. Maghanda ka na sa pasukan. Sabi ko na makakapasa ka eh!" ani Tita.   At do'n nag-sink-in sa akin ang totoong nangyayari.   Ano?! Nakapasa ako?! 'Di nga?! Totoo?! Hindi ako naniniwala kasi ayokong maniwala! Ayoko nang mag-aral! Boring sa school. Tapos tatanungin ka pa ng teacher eh alam naman na nila 'yong sagot! No way! Highway! Stairway!   "Tita, mag-ba-backout ako! Ayoko na mag-aral Tita!" Halos lumuhod ako sa harap niya at magmakaawa.   "Magnanakaw na lang ako, Tita! Tapos magbebenta sa ukay-ukay! Gano'n tapos Tita ang layo ng school na 'yon mula rito!! Tita 'wag please!!" sunod-sunod na dahilan ko sa kanya.   Sana umepekto 'yong puppy eyes ko. 'Langya kasi 'yan! Bakit kasi ako pumasa ha? Hoy test paper bakit mo ko ipinasa? Awit ka!   Tiningnan ko si Tita na halata mong nag-iisip.   Ay, naol may isip.   "Okay." Napabalik ako sa huwisyo sa sinabi ni Tita. Okay? As in pumapayag siya na 'di na ako mag-aral? Weh? Yes! Tagumpay! Umepek—   "Ikukuha kita ng apartment na malapit lang sa school mo. Ako na magbabayad ng upa kaya hindi mo na kailangan mag-alala sa babayaran." Nakangiti niyang tinapik ang balikat ko matapos niyang sabihin kung ano ang plano niya.   Saan nanggaling 'yang ngiting 'yan, Tita? Paano ka nakakangiti sa mga oras na 'to?   "Isa pa pala, mag-impake ka na para isang linggo bago magpasukan, maayos na 'yong apartment na lilipatan mo. Understood?" Napatango na lang ako bago tuluyang lumabas si Tita.   Sabi sa inyo nakakahawa 'yong pagiging mapagpanggap ni Kuya Karl eh.   Magda-drama na sana ako kaso naudlot dahil pumasok ulit si Tita sa kwarto ko. "Bawal ka pala muna magnakaw. Mag-focus ka muna sa pag-aaral," sabi pa niya at tuluyan nang umalis.   Ngayon, para na talaga akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Mapapasabi na lang talaga ako ng:   Kunin mo na ang lahat sa akin. 'Wag lang siya!   'Yong pagnanakaw 'yon ang tinutukoy ko. Makakapagnakaw pa rin naman ako 'di ba? Kahit sa weekends? Right??   Bakit ko ba kayo tinatanong? Eh hindi niyo rin naman alam yung sagot. T*nga rin eh.   Gaya ng sabi ni Tita, nag-impake na ako. Sa halip na magdrama ako na wala naman patutunguhan at least 'to meron. Kaunti lang naman 'yong naimpake ko kasi kaunti lang din 'yong damit at importanteng gamit ko. Sa 'kin ninyo matutunan kung paano maging matipid.   Tannie "Matipid Tips Version 1.0", Tip 1!   Kung nasa bahay lang, kumportableng damit lang ang isuot, hindi 'yong po-porma ka pa eh wala ka namang popormahan sa bahay niyo. Huwag din masyadong gumamit ng pulbo o pabango, nasa bahay ka lang naman, nagpapaganda o nagpapapogi ka pa.   Gawin niyo rin kasi akong role model niyo. Tingnan niyo, nagkasya lahat ng gamit ko sa cute-sized maleta ko. Kinuha ko rin 'yong backpack ko at nilagay doon 'yung last na regalo sa akin ng magulang ko bago sila mamatay. 'Yong paborito kong blue long sleeves, checkered na may butones na hanggang tuhod ang haba at may pangalan ko na 'Tannie' sa likod.   Tinabi ko na 'yong mga gamit ko sa gilid ng kama bago ako pumunta sa ukayan ni Tita.   "O? Asan sila kuya?" tanong ko kay Tita na nadatnan kong mag-isa sa ukayan at kinakalikot ang calculator niya.   "Nagnanakaw. Para naman maka-order tayo ulit ng pampaninda, nauubos na kasi."   So, alam niyo na kung saan napupunta 'yong ninanakaw namin?   Ganito kasi 'yan, 'yong mga ninanakaw namin si Tita ang umaasikaso. Binibigay niya 'yon sa kakilala niya na nagpapalit ng pera katumbas ng isang bagay. 'Yong pera na makukuha namin binibili namin ng ipapaninda sa ukay-ukay namin tapos 'yong iba sa pangangailangan namin. Gets niyo?   Bale 'yong ninanakaw namin, may dalawang benefits, sa 'min at sa mga taong bumibili sa ukay-ukay namin. O 'di ba? Talino?   "Nakaw lang din ako Tita. Paniguradong walang makukuha 'yong mga tukmol na 'yon. Ako kasi pro na!" Tumawa siya sa sinabi ko bago ako lumabas sa ukayan. Susulitin ko na ang pagnanakaw hangga't puwede pa.   Saan kaya ako magnanakaw? 'Wag na sa palengke baka makahalata na 'yong mga nagtitinda do'n na palagi akong nagtatanong tapos wala pala akong bibilhin. Tsk. Tsk. Tsk.   Naglakad-lakad lang ako hanggang sa mapadpad ako sa mga kumpol ng tao rito sa plaza, sa tapat ng simbahan.   Anong meron? Lumapit ako doon at nakisiksik hanggang sa makita ko kung anong pinagkakaguluhan nila.   May isang lalaking kumakanta habang naggigitara sa gitna. May itsura siya in fairness, pero bakit parang pamilyar 'yong mukha niya? Saan ko nga ba siya nakita?   Putek! Bahala ka nga diyan. Advantage rin 'to para makapagnakaw ako! Tuloy mo lang pagkanta mo pogi.   Umalis ako sa puwesto ko kanina at lumipat sa ibang puwesto tapos ay mas nakisiksik pa sa mga tao. Mga nakalagay lang sa bulsa nila 'yong kinuha ko, karaniwan, wallet saka cellphone. May sumbrero rin akong nakuha. Sayang din 'to 'no, maganda pa naman.   Level one pa lang 'yan. May level two pa ako kung saan mga alahas o kaya relo naman ang kinukuha ko. Lumipat ulit ako ng puwesto.   Lipat-lipat lang para masaya.   May babae akong nakita na mukhang mayaman. Mukha lang pero 'di mayaman. Charot! Mayaman talaga ata 'to. Halata mo sa pananamit at suot na mga alahas. Nakangiti pa siya habang tinitingnan 'yong kumakanta.   Ngi! Crush niya kaya? Makausap nga para mas madaling nakawan.   "Crush mo 'no?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa harapan. Tumingin siya sa akin na nagtataka kung siya ba kausap ko kaya tiningnan ko siya pabalik.   Ngumiti siya sa 'kin bago sumagot, "Oo, pero hindi na lang ata crush 'to."   Sanaol malalim ang pag-ibig. Ako nga walang pag-ibig eh pero meron akong long long long lost crush. Ewan ko kung saan na pumunta 'yon. Alam ko nasa Maynila siya, minsan tine-text niya 'ko para mangamusta pero ngayon wala nang paramdam. Ouch!   "Ligawan mo na gurl!" sabi ko.   "Loka, lalaki dapat ang manligaw. Tsaka 'di ko alam kung gusto niya ba 'ko," sagot niya. Ay gano'n ba 'yon? Unti-unti kong kinuha 'yong singsing na nasa daliri niya habang nakatingin pa rin sa harap. Smooth lang ang galawan!   "Sad. Pero close kayo?" tanong ko ulit.   "Siguro," sagot naman niya.   Ay 'di sure, mahina. Sinunod ko 'yong bracelet niya. One swift move nasa bulsa ko na.   "Eh, umamin din kasi sa feelings. Sige una na ako. Salamat sa pagshe-share ng feelings mo," paalam ko sa kanya.   Agaran akong umalis doon sa pinagkukumpalan ng mga tao at tinahak ang daan pabalik sa ukayan ni Tita.   Tsanggala, sayang 'yong babae kanina, isang kamay lang nakuhanan ko. Hindi naman niya mahahalata na nakawan siya dahil pinalitan ko rin 'yon ng mga ninakaw ko rin kanina na hindi mga orig. 'Yong kanya kasi orig. Mataas katumbas na pera no'n kaya solid.   'Kala niyo 'di ako marunong mangilatis ng alahas 'no? Yo, pro kaya 'to! Lahat ng techniques sa pagnanakaw, nagawa ko na. Iba kasi 'pag pro!   "Miss Ganda!" Ganda? Ako 'yon 'di ba? Ako lang naman 'yong maganda rito sa lugar namin eh. O baka sabihin niyo assumera ako, hindi ah.   Lumingon ako sa tumawag sa 'kin.   "Ay lolo mo!" Nagulat ako dahil nasa tabi ko na 'yong tumatawag sa 'kin. Napahawak ako sa dibdib ko pero bakit parang wala akong nahawakan? Tiningnan ko 'yong dibdib ko, tingnan mo nga naman bakit parang pinapahiya ko ata sarili ko? Bwiset.   "Long time no see, magnanakaw ng puso ko." Boses ng lalaki 'yOng narinig ko.   Napaangat ako ng tingin. Anak ng! Guess who? Si yayamanin na magnanakaw rin!   "In*mo!" mura ko sa kanya at bahagyang lumayo.   Tumawa na naman siya na parang baliw bago magsalita ulit, "Alam mo bang hindi lang ikaw ang may ninakaw sa 'ting dalawa?"   Tinaasan ko siya ng kilay. Ano'ng pinagsasabi ng gunggong na 'to?   "Alam mo bang ninakaw ko rin 'yang puso mo?" sabi niya.   Wtf? Sira ulo talaga! Magsama nga kayo ng mga pinsan ko!   "Lol. Eh bakit buhay pa 'ko kung na sa 'yo puso ko?" pambabara ko.   "Psh. Hindi man lang mabiro. Marunong ka bang mag-multiply?" tanong naman niya ngayon.   Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Hinahamon ba niya 'ko? FYI, nakatapos naman ako ng junior high school 'no! Malamang alam ko.   "MInamaliit mo ba ‘ko? Oo naman marunong akong mag-multiply," sagot ko   "Hindi naman sa gano’n, Miss. Sige nga kung marunong ka talaga, one times number mo?" tanong niya   Sasagot na sana ako kaso may na-realize ako. Hokage style.   Pinakita ko 'yong middle finger ko, "P*kyu!" sabi ko at agad tumakbo palayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD