KINABUKASAN nagising si Aryanda na wala na sa kaniyang tabi si Zachary. May iniwan itong sulat sa may lampshade at nakalagay din sa ibabaw ng lamesa ang uniform niya sa OJT sa Sanctuary Hotel. Mabilis siyang kumilos dahil kailangan niyang bumalik sa hotel dahil ito na ang huling araw ng kanilang OJT. Pagkatapos nito ay examination na lang ang kaniyang gagawin pagkatapos ay gra-graduate na siya. Sa halos anim na taon na patigil-tigil siya sa pag-aaral ay makakatapos na rin siya sa wakas. Marami siyang pangarap, una ay para sa kaniyang Lola Loleng gusto niyang mabigyan ito ng magandang buhay. At si Guiller gusto niyang masuklian ang ipinakita nitong kabaitan sa kaniya noong una silang magkita. Kumusta na kaya ito, hindi na niya nakikita ang nakakatandang kapatid ni Zachary. Hindi niya tiya