MAINIT ang ulo ni Zachary dahil marami sa mga investors niya ang lumipat na sa Guiller Steels. At naiinis na siya sa kaniyang kapatid mukhang sinasadya nito ang mga nangyayari ngayon. Gusto bang mapatunayan ni Kuya Guiller na nagbalik na ang pagiging mabagsik nito pagdating sa negosyo. At pinupuntirya siya nito dahil sa kagustuhan nitong lumapit siya rito. Kasama niya ngayon si Diane imbes na si Aryanda dahil last day na pala ng OJT nito. Nakakatiyak ang binata na hindi magugustuhan ni Aryanda ang ginawa niya sa mga tauhan niya sa Hotel. Pero tama lamang ang ginawa niya para maparusahan ang mga pabayang tao na sinasahuran niya ng tama. Naging pabaya ang mga ito sa trabaho lalo na ang mga nakabantay sa CCTV area. Hindi siya nagsasayang ng perang ipinapasahod niya sa mga ito kapag hindi pul