WALA sa sarili si Aryanda habang papasok sa bahay ng kaniyang Kuya Bernard. Wala ito roon ng mga oras na iyon dahil nag-text ito gagabihin ng uwi dahil kasama nito si Arci. Masaya siya para sa pag-ibig ng kaniyang kapatid. Tumutulo ang suot niyang damit habang nakatayo sa tabi ng pintuan. Umaagos ang kaniyang luha at sobrang sakit ang kaniyang nararamdaman. Nagmukha siyang tanga sa harapan ng ni Guiller dahil sa pagmamakaawa niya kay Zachary. Nagmukha siyang nagpupumilit para sa taong mahal na mahal niya. Nagpakababa na siya para lamang kausapin siya ni Zachary at ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Kung bakit ito magpapakasal at kung bakit napakadali para rito na saktan siya. Balewala na lamang ba ang mga sinabi nito? Ang mga pangako nito sa kaniya na pinanghawakan niya. Umasa lamang ba siy