Kanina pa ako nakatitig sa monitor ng computer ko habang nakahalumbaba ako. Iniisip ko kasi ang sinabi sa akin ni Aidan kahapon. “Tsk! Nababaliw na ba siya?” bulong ko. Mabuti na lang at nasa ibang bansa siya ngayon para um-attend ng meeting. Hindi ako mahihirapan kumilos ngayon. Tuwing nasa opisina siya ay lagi akong kinakabahan dahil bigla na lang niya akong pinapatawag sa loob ng kanyang opisina upang halikan, kung minsan pa ay nauuwi sa pagsisiping. Dahil marupok ako pagdating sa kanya, nagagawa kong ibigay ang nais niya. Gayunpaman, hindi ko ito pinagsisihan dahil ginusto ko naman ang ginagawa niya sa akin. “Celestina!” Inangat ko ang mukha ko at nakita ko si Bianca. Isa rin siyang assistant secretary ni Mr. Colabre. Head Manager ng kumpanya. “Bakit?” tanong ko. Matamis siyang n