“Dito ka nakatira?” mahina ngunit puno ng pagtataka na tanong ni Aidan habang pinagmamasdan ang paligid ng condo. Tahimik kong nilapag ang bag sa mesa, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. “Hindi ito sa akin. Nakikitira lang ako rito.” “Kanino ang condo na 'to?” May pag-aalalang bumalot sa boses niya. Tumingin ako sa kanya, pilit ang ngiti. “Sa sugar daddy ko?” Biglang nanigas ang mukha niya, ang dating lambing sa kanyang mga mata ay napalitan ng seryoso at malamig na titig. “Tinatanong kita nang maayos, Celestina.” Bumuntong-hininga ako nang malalim, pilit pinipigil ang panginginig ng tinig ko. “Kay Laura ito. Dumating ako rito na ang tanging dala ko lang ay damit. Lahat ng nakikita mo — ang mga gamit, ang pagkain — lahat 'yon ay mula sa kanya. Siya ang bumuhay sa akin noong wala na