Aidan’s POV Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan, natanaw ko na agad si Mommy na nakatayo sa may pintuan, tila sabik na sabik sa pagdating ko. Ngunit sa halip na saya, inis ang agad na sumiksik sa dibdib ko. Naalala ko kasi ang mga sinabi sa akin ni Celestina. “Aidan!” Masayang bati ni Mommy, sabay yakap sa akin. Tipid akong ngumiti. Mahina ko siyang niyakap pabalik, pero hindi ko maikubli ang galit na nararamdaman ko. “I’m glad you came to visit,” wika niya habang hawak ang braso ko. Magkasabay kaming naglakad papasok ng bahay. “I actually came because I have something to ask you,” mahinang sagot ko. “Sige, pag-usapan natin habang kumakain. Nagluto ako ng paborito mo,” masiglang tugon niya. “Salamat,” sagot ko, kahit wala akong gana. Pagdating namin sa kusina, nakahain na ang p
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books