JACOB'S POV ILANG-BESES akong bumuntong-hininga habang natanaw sa asawa kong umiiyak mag-isa. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. Hindi niya ipinakita sa akin na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya nang makunan siya sa pangatlo naming anak. Dalawang buwan na ang nakalipas nang makunanan siya. Sinisisi niya ang sarili niya kahit hindi naman niya kasalanan. Ang akala ko ay tanggap na niya ang lahat dahil kapag kasama niya kami ay masaya siya pero hindi pala. Kapag tulog na pala kaming lahat ay umiiyak siya. Kinikimkim niya ang sakit ng pagkawala ng anak namin. Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya patalikod. "Bakit hindi mo sa akin sinabi ang nararamdaman mo?" Mabilis niyang pinahid ang luha niya. "B-Bakit gising ka pa?" "Laura, masyado ka ng stress dahil sa pagka