CHAPTER 5

2022 Words
Kumakalam na ang sikmura ko dahil sa sobrang gutom ko. Alas-singko pa lang ng umaga ay umalis na ako ng apartament para pumunta sa interview ko. Ang sabi kasi ay alas-otso ang interview pero nagsimula sila ng alas-dose ng tanghali. Gusto ko sanang bumili ng pagkain sa cafeteria nila ngunit sobrang mahal at konti, kaya nagtiis na lang ako sa biscuit. Ngunit alas-kuwatro na ang hapon ay hindi pa rin ako nakakauwi dahil hinihintay ko ang resulta ng final interview ko. "Ang tagal naman nilang sabihin kung sino ang nakapasa?" wika ng isang aplikante. "Grabe! kung alam ko lang ng ganito katagal dito sa iba na lang ako nag-apply," sabi ng isang aplikante na babae. "Celestina Mendez!" tawag ng babae nang lumabas sa isang silid. Tumayo ako at muling pumasok sa silid . Ang lamig ng sa loob ng silid ngunit mas lalo akong nilamig sa kaba dahil sa sasabihin niya sa akin. Kinakabahan ako dahil baka hindi ako nakapasa. "Hi Celestina, thank you for coming in for the interview today. After reviewing your qualifications, I'm pleased to inform you that you've passed the interview and have been selected to join our team at the BPO company." Lumapad ang ngiti ko "Oh my gosh, really? Thank you so much! This is my first job and I'm so excited to start working." "Congratulations, we're happy to have you on board. We have a few administrative tasks to complete, but we will try to get everything done as quickly as possible so that you can start as soon as possible." "Thank you, I really appreciate this opportunity. I can't wait to start working and contribute to the company's success." "We're looking forward to having you on the team. You'll be working with a talented group of individuals who are dedicated to providing excellent customer service. We believe that you will fit right in and make a positive impact on the team." "Thank you for your confidence in me. I will do my best to learn quickly and contribute to the team's success." "Great, we'll be in touch with the next steps. Congratulations again, Celestina." Tumayo siya at nakipagkamat sa akin. "Thank you, sir!" Daig ko pa ang nasa alapaap sa sinabi niya. Ang akala ko ay hindi ko magagawang makalusot sa final interview dahil sa unang nag-interview sa akin ay sobrang hirap. Sumakay ako ng taxi pabalik ng apartment ko. Habang nasa biyahe ako ay tinawagan ko ang magulang ko. "Nay,Tay, nakapasa na ako sa interview. Magpapa-medical na po ako bukas para makapagsimula na ako sa trabaho," sabi ko. "Alam namin na magagawa mong makapasok sa trabaho dahil matalino ka," sabi ni Tatay. "Kaya lang po malayo sa apartment ko ang kumpanya. Sa ortigas ako naka-assign sa Makati naman ako umuuwi." "Mahihirapan ka sa biyahe niyan, anak." "Kailangan kong lumipat ng bahay na malapit sa trabaho ko para hindi ako mahirap." "Gusto mo bang padalhan ka namin ng pera para makapaglipat ka na?" "Magtitiis muna akong mag-commute habang hindi pa ako nakakasahod. Kapag nakasahod na ako ay saka na ako lilipat ng bahay." "Celestina, mag-iingat ka diyan palagi," wika ni Nanay. "Huwag po kayong mag-alala dahil lagi akong nag-iingat. Kayo ang mag-ingat diyan ni tatay." "Miss na miss ka na namin anak." "Miss ko na rin kayo, sige na po, ibaba ko na ang phone ko malapit na akong bumaba." Sabay putol ko ng tawag. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa apartment. "Celestina, kumusta ang interview mo?" tanong sa akin ni Duday habang kinukuha niya ang mga tuyong sampay niya. "Nakapasa ako pero sa ortigas ako naka-assign." "Medyo malayo dito sa apartment mo." Tumango ako. "First time ko ang trabaho na ito kaya pagtitiyagaan ko na muna. Kapag nagkaroon na ako ng experience dito na lang ako sa Makati maghahanap ng trabaho." "Okay, good luck!" "Salamat." Dumiretso na ako sa inupahan ko. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay pumasok ako sa kuwarto at tiningnan ang nakatago kong pera. "Five thousand na lang ang pera ko sana bago maubos ito ay may sahod na ako. Kung hindi ay baka hindi ko na alam kung saan ako pupulutin." Tumayo ako upang magluto ng itlog. "Sa sobrang pagtitipid ko ay puro itlog na lang ang inuulam ko kung minsan ay tuyo. Kapag gusto ko ng sabaw ay nagluluto ako ng instant noodles. Gusto kong panindigan ang pinasok ko na ito para matupad ko ang pangarap ko. "Tiis ka muna Celestina ngayon. Isipin mo na para ito sa magulang mo." KINABUKASAN ay maaga akong nagising para magpa-medical. Gumastos ako ng malaki sa pamasahe dahil kinailangan kong magpa-book ng masasakyan online para hindi na ako maghanap-hanap pa. Ang sabi kasi ng nag-interview sa akin ay makikita sa google map ang clinic kung saan ako magpapa-medical. Libre ang medical at walang babayaran puwera lang kung may sira ang mga ngipin or kailangan magpasalamin. Mabuti na lang talaga at walang naging problema sa akin dahil siguradong gagastos ako kung sakali. "Hays! Tapos na rin." Sinuot ko ang sunglasses na binili sa akin ni Nanay. Lagi ko itong dala lalo na at mainit ang panahon. Naisipan kong mag-ikot sa Mall na malapit sa clinic bago ako umuwi ng bahay. Naglalakad ako sa second floor nang may bigla akong binangga. "Sorry!" Muntik na akong bumagsak sa sahig kung hindi ako nakakapit sa kasunod kong lalaki. "Ano ba! Bakit hindi ka nag-iingat!" sigaw ng babae sa akin. Umangat ang kanang kilay ko. "Ikaw ang bumangga sa akin." "Ano! Ikaw ang bumangga sa akin! Hindi ka tumingin sa dinadaanan mo!" Kuyom ang kamao ko sa inis. Kung sa lugar namin ito nangyari baka kanina ko pa hinila ang buhok niya. "Excuse me, pero ikaw ang bumangga sa kanya," boses iyon ng babae. Tumingala ako at nakita ko ang isang magandang babae. Sa itsura pa lang niya ay halatang mayaman. Parang nakita ko na siya. Titig na titig ako sa babae habang nakikipag-usap siya sa babae na bumangga sa akin. "Huwag kang makialam dito!" Inis niyang sabi. Umangat ang kanang kilay ng babae. Pagkatapos ay may tinawagan ito. Ilang saglit pa ay may dumating na security guard. "Yes, Ma'am." "Palabasin n'yo ang babae na ito." Sabay turo niya sa babae na bumangga sa akin. "Hoy! Wala kang karapatan na palayasin ako rito sa Mall!" "May karapatan ako dahil ako ang asawa ng may ari ng Mall na ito." Umurong ang dila ng babae at parang maamong tupa na umalis. "Are you okay?" "Ha?" sabi ko. Isang matamis na ngiti ang naging tugon niya sa akin. "Okay ka lang ba?" Tumango ako. "Salamat." Sabay yuko ko. "Sana hindi ka madala na pumunta sa Mall namin." "Napadaan lang po ako rito wala naman akong bibilhin." "Ako nga pala si Trixie, ikaw anong pangalan mo?" "Celestina." "Alam mo may naalala ako sa iyo puwede bang tanggalin mo ang eyeglasses mo?" Umiling ako. "Sorry po pero nahihiya ako." Mahirap na baka may kumukuha ng video at makita ang mukha ko. Mag-aalala sa akin si nanay at tatay kapag nakita nila ako. Ang sabi pa naman ni Duday. Lahat na lang ng bagay ay kinukuhanan ng video para maging trending sa social media. "Okay, sumama ka sa akin at kunin mo ang gusto mong bilhin dito sa loob ng mall." Tumingala ako. "Talaga po?" "Yes, pero sasamahan mo akong kumain." "Sige po," sagot ko. Hindi ko akalain na may mabubuting tao pa rin pala. Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil wala naman akong idea dahil ngayon pa lang ako nakapasok dito. Huminto kami sa isang sosyal na bilihan ng pizza. Nakita ko kasing sobrang mahal ng presyo ng pizza. "Pumili ka ng gusto mo," sabi niya. "Wala akong pambili." Tumawa siya. "Ano ka ba? Libre na nga kita." "Salamat." Pumili ako ng pizza na sa tingin ko ay sobrang masarap. "Alam mo parang kahawig mo talaga ang hipag ko." "Talaga po?" tanong ko. "Bakit kasi ayaw mong tanggalin ang eyeglasses mo?" "Gusto ko lang po na 'wag alisin." "Okay, ikaw ang bahala." Hindi na ako umimik nang dumating ang order namin. Hindi kami naghintay ng matagal dahil siguro ay siya ang may ari ng mall. "Salamat po sa libre." Tatayo na sana ako ngunit pinigilan niya ako. "Sandali lang." May dinukot siya sa bag niya at inabot sa akin. "Sinabi ko sa iyo na libre kita. Bilhin mo ang kailangan mong bilhin dito." Sampung one thousand gift check ang binigay niya sa akin. "Ma'am, masyadong malaki po ang binigay mo sa akin." "Alam mo kasi nakikita ko talaga sa iyo ang hipag ko kaya binigay ko 'yan sa iyo." "Pakisabi po sa hipag n'yo salamat." Napawi ang ngiti niya. "Patay na ang hipag ko." "Ay, sorry po." "It's okay, sana napasaya kita ngayong araw." "Sobra-sobra niyo po akong napasaya. Salamat po talaga ng marami." "Okay, ingat!" Una kong pinuntahan ay ang grocery store. Bumili ako ng mga pagkain na kailangan ko. Bumili rin ako ng mga gamit sa bahay tulad ng kawali, kaldero at lutuan at kung ano-ano pa. Bumili ako ng mga delata at bigas. Naubos ko ang limang libo sa pamimili ko. Mabuti na lang at tinulungan ako ng bagger ng grocery na ilabas ang mga pinamili. Hindi rin ako nahirapan na makakuha ng sasakyan pauwi. Walang paglagyan ang tuwa ko ngayon araw dahil sa isang iglap ay wala na akong problema sa pagkain ko sa isang buwan. "Swerte talaga ng eyeglasses na binigay sa akin ni nanay." Pagdating ko sa inupahan kong apartment ay inaayos ko ang mga pinamili ko. Ang sarap pagmasdan dahil ang dami kong stock na pagkain. Muli kong tinawagan ang magulang ko. Gusto kong ipaalam sa kanila ang magandang nangyari sa akin ngayon." "Nay, tay, alam n'yo ba may mabait na nagbigay sa akin ng ten thousand gift check. May ari siya ng isang Mall." "Bakit ka naman binigyan?" "Ang sabi niya kamukha ko raw ang hipag niya. Gusto nga niyang tanggalin ko ang eyeglasses na binili sa akin ni nanay. Hindi ko lang inalis kasi nahihiya ako dahil ang daming tao." Biglang tumahimik sila nanay at tatay kaya akala ko ay nawalan ng signal sa kanila. "Hello! Nay, tay." "Anak, 'wag na 'wag kang magtitiwala agad. Sinabi ko naman sa iyo na maraming manloloko sa Manila," wika ni tatay. "Hindi ko naman nakakalimutan ang paalala n'yo sa akin." "Anak, 'wag mo na lang kayang ituloy ang pagtatrabaho mo diyan? Dito ka na lang sa lugar natin maghanap ng trabaho," sabi ni tatay. "Tay, inumpisahan ko na ito kaya paninindigan ko na. Sayang naman kung susuko na ako. Ngayon pa lang ay may swerte ng dumating sa akin. Huwag kayong mag-aalala lagi naman akong mag-iingat at tinatandaan ko ang mga sinabi n'yo sa akin." Naririnig ko ang buntonghininga niya. "Okay, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng nanay mo." "Mahal na mahal ko rin po kayo." Bago pa kami magkaiyakan ay pinutol ko na ang tawag ko. Habang tumatagal kasi ay nagiging malungkot na ang usapan namin. Hindi ko naman masisi ang magulang ko dahil nag-iisang anak nila ako. At dahil nag-iisa nila akong anak gusto kong iparanas sa kanila ang magandang buhay na pangarap ko para sa kanila. Katatapos lang naming mag-usap ng magulang ko nang marinig ko si Duday na kumakatok sa pinto kaya binuksan ko ang pinto. "Bakit?" "Celestina, tumawag sa akin si sir Ben, kinakamusta ka niya. Ang sabi ko ay nakahanap ka ng trabaho. Sa susunod na araw ay pupunta siya rito para bisitahin ka." "Sana hindi pa ako nagsisimula sa trabaho ko para makita ko siya." "Ay, oo nga pala, baka magsimula ka na sa trabaho. Sayang kung hindi ka niya maabutan dito." "Sana hindi pa ako pumapasok para magkita na kami. Hindi ko na kasi alam ang itsura ng mukha ni tito Ben. Ang sabi ni tatay ay bata pa ako nang huli ko siyang makita." "Hayaan mo mamaya sasabihin kong baka hindi kayo magtagpo sa susunod na araw. Malay mo maisipan niyang pumunta bukas." "Sana nga bukas na lang siya pumunta rito." "Siya sige, tatawag na lang ako ulit sa kanya." "Salamat, Duday." Sabay sarado ko ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD