Alas-siyete pa lang ng gabi ay nakahanda na ako para sa pagpasok sa trabaho kahit na nga alas-diyes pa ang umpisa ng trabaho ko. Ito kasi ang unang araw ng pasok ko kaya kailangan kong maging maaga. Kailangan ko rin kasing alamin kung gaano katagal ang magiging biyahe ko kapag nag-commute ako. Hindi na ako sumakay ng taxi sa halip ay bus ang sasakyan ko.
"Oh, aalis ka na?" takang tanong sa akin ni Duday.
Tumango ako. "Kailangan kong pumasok ng maaga para hindi ako mahuli sa trabaho. Ito pa naman ang unang araw ko."
"Hindi ba't alas-diyes pa ang pasok mo?"
Tumango ako. "Baka kasi maipit ako sa traffic dahil bus ang sasakyan ko."
"Bakit hindi ka sumakay ng mrt para walang traffic?"
"Mrt? Hindi ko alam kung paano sumakay doon."
"Pero mas madali sana doon dahil siguradong walang traffic na dadaanan. Makikipagsisikan ka lang sa loob ng Mrt."
"Next time na lang kapag alam ko na ang lugar. Naninibago pa ako sa mga lugar dito kaya kailangan kong kabisaduhin."
"Okay, mag-ingat ka. Gabi ang pasok mo kaya magkikita kayo bukas ni sir Ben."
"Excited na nga akong makita siya bukas. Alis na ako bukas na lang." Lumabas na ako ng gate saka sumakay ng padyak hanggang sa may kanto. Pagkatapos ay naghihintay na lang ako ng masasakyan na bus.
Habang naghihintay ako ng bus na masasakyan ay may humintong magarang sasakyan sa kabilang kalsada. Wala sana akong balak tingnan ang ito ngunit kahawig ng lalaking nakaaway ko sa bus ang bumaba na lalaki. Nakasuot siya ng shade tulad ng nasa bus siya at ang tindig niya ay parehong-pareho.
"Mukhang siya ang lalaki na 'yon." Tatawid sana ako sa kabilang kalsada ngunit may humarang na bus sa harap ko.
"Cubao, ibabaw!" sigaw ng konduktor.
Napilitan akong sumakay ng bus. Umupo ako sa tapat ng bintana upang titigan ko siya. Nakita ko siyang may tinatawagan sa phone. Marahil ay nasira ang sasakyan niya dahil binuksan niya ang tapat ng makina ng sasakyan niya.
Buti nga sa iyo!
Ang balak ko sana ay lalapitan ko siya dahil ibabalik ko ang kuwintas niya pero kailangan may kapalit bago ko ibigay. Gusto kong bigyan siya ng suntok para bayad sa pagnanakaw niya ng halik sa akin.
"Bakit ang tagal umalis?" inis kong bulong.
Halos limang minuto na yata kaming nakatambay sa sinakyan ko ngunit hindi pa rin umaalis. Nagtatawag pa rin ang konduktor ng pasahero.
"Pupunuin pa yata ito bago umalis," sabi ng isang pasahero.
Huminga ako ng malalim saka muling tumingin sa lalaking nasa kabilang kalsada. Natigilan ako nang bigla itong tumawid at lumapit sa bus na sinasakyan ko. Nagmamadali kong kinuha ang eyeglasses ko at sinuot ko ang jacket ko. Gusto kong makilala niya ako para makaganti ako sa kanya. Eksakto naman na sa tabi ko siya umupo.
"Brix, sumakay na lang ako ng bus dahil kailangan kong bumili ng gas sa pinakamalapit na gasoline station."
Mukhang naubusan siya ng gasolina.
"Huwag kang mag-alala nasa gilid naman ng kalsada ang sasakyan ko. Hindi ito magdudulot ng traffic. Pinakiusap ko ang pulis na malapit doon kaya hindi ito pagtitripan."
Hindi ako nakatiis. Kinalabit ko siya para mapansin niya ako. "Puwede pakihinaan ang boses mo? Hindi ako makatulog." Pagtataray ko.
Salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. "Ikaw ang babae sa bus na sinakyan ko." Tinuro pa niya ako.
Tinaas ko ang kanang kilay ko. "Oo, ako nga bakit?"
Pinutol niya ang tawag sabay hawak sa braso ko. "May atraso ka pa sa akin."
"Alam mo ikaw ang may atraso sa akin. Ninakawan mo ako ng halik!" sigaw ko.
Paglingon ko sa paligid ay sa amin na pala nakatingin ang mga pasahero. Tumahimik ako dahil bigla akong napahiya.
Nagulat ako nang akbayan ako ng lalaki. "Baby, 'wag na tayong mag-away okay." Ngumisi siya.
"Anong baby?! ang kapal naman ng mukha mo." gigil kong sabi sa kanya.
Kulang na lang ay ihagis ko siya palabas ng bus.
Biglang umandar ang bus kaya nawala ang focus sa amin ng mga pasahero. Nagsisimula na kasing maningil ang konduktor.
"Bayad namin ng baby ko sa gasoline station kami," sabi ng lalaki.
"Ano!" sigaw ko ulit.
Ngumisi siya saka bumulong sa akin. "Kapag hindi ka tumigil kakasigaw hahalikan kita rito," bulong niya.
Sa sobrang galit ko ay kulang na lang ay bumulagta na siya sa matalim kong tingin.
"f**k you!" bulong ko.
"Thank you," pang-asar niyang sagot.
Biglang nagpreno ang driver kaya sumubsob ako sa dibdib niya. Aangat ko pa lang ang katawan ko pero bigla siyang tumayo habang hawak niya ako.
"Baby, nandito na tayo."
"Hoy! teka lang!"
Ang bilis niyang maglakad pababa kaya pati ako ay bumaba na rin. Pagkaalis ng bus ay tinulak ko siya. "Bwiset ka!" Pinaghahampas ko siya!"
"Tumigil ka! Baka akala mo hindi ko alam ikaw ang nagnakaw ng kuwintas ko!" sagot ng lalaki.
"Hindi ko ninakaw ang kuwintas mo! Ikaw 'tong tanga! Dinukot ko ang kuwintas sa loob ng bag at hinagis ko sa kanya. "Ayan! Saksak mo sa baga mo 'yan! Sinisira mo ang araw ko!" Tumalikod ako sa kanya para muling mag-abang ng bus.
"Sandali lang!"
"Huwag mo akong hahawakan!" Dinuro ko pa siya.
"Hintayin mo ako bibili lang ako ng gasolina."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Huwag mo akong kausapin!" sigaw ko.
Nagkibit-balikat siya. "Okay!" Bumili na siya ng gasolina at nang makabili siya ay tumawid siya sa kabilang kalsada at muling sumakay ng bus pabalik.
Gigil na gigil ako dahil maaga akong umalis ng bahay para maagang makarating sa trabaho pero inabot ako ng malas. Hanggang ngayon ay wala akong masakyan dahil punuan.
"Malas talaga ang lalaki na iyon. Sana hindi ko na lang pinansin." Inis kong bulong.
Pagkalipas ng kinse minutos ay huminto ang sasakyan ng lalaki sa harap ko. Binuksan niya ang bintana.
"Sumakay ka na ihahatid na kita kung saan ka pupunta."
Umangat ang kanang kilay ko. "Ayoko nga baka rapist ka!" Sabay simangot ko.
Tumawa siya. "Hindi ako rapist at lalong wala akong balak na mag-rape ng babae na nakasuot ng eyeglasses sa gabi."
"Abah! Nagsalita ang hindi nakasuot ng shades!"
"Nagkaroon ng allergy ang mga mata ko kaya nakasuot ako ngayon ng shade."
"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo," pagtataray ko.
"Ano? Sasakay ka ba o hindi?"
Tumingin ako sa orasan sa phone ko. Kinse minutos na lang ay alas-otso nang gabi kung hindi ako makasakay baka mas lalo akong malasin.
Huminga ako ng malalim. "Okay, sasakay na."
"Sasakay ka rin naman pala ang dami mong arte."
"Anong pakialam mo?"
"Saan ang punta mo?" tanong niya.
"Sa Ortigas ako pupunta."
"Malaki ang ortigas saan banda sa Ortigas?"
"Sa Tensis Agies."
Tumango ang lalaki. "Sa bpo ka pala nagtatrabaho kaya pala ang daldal mo."
"Alam mo, kung hindi lang ako mahuhuli sa trabaho hindi ako sasakay sa iyo. Unang araw ko sa trabaho ngayon at ikaw ang sumira ng gabi ko." Sabay irap ko sa kanya.
"Alam mo kung hindi mo lang binalik sa akin ang kuwintas ko hindi rin kita isasakay. Hahayaan sana kitang ugatin sa kahihintay ng masasakyan."
"Walang akong pakialam sa kuwintas mo."
"Imagine hindi mo pinag-interasan ang kuwintas ko. Two-hundred thousand pa naman ang presyo nito."
Nagulat ako sa presyo ng kuwintas niya dahil ang akala ko ay mga limang libo lang ito. Hindi naman siya mukhang mayaman nang sumakay siya ng bus.
"Kaya kong magbanat ng buto para magkapera."
"That's good."
Inirapan ko siya. "Tse!"
"Alam mo masyado kang masungit hindi ka dapat ganyan sa magiging customer mo."
"Alam mo kung ikaw ang customer ko talagang hindi ko makokontrol ang galit ko."
"Okay! Miss Shade."
"Whatever!" Inis kong sagot.
Hindi ko na siya kinausap dahil baka lalo akong mainis sa kanya kapag nakipag-usap ako ulit sa kanya.
"Nandito na tayo Miss Shade."
Lumabas ako ng kotse niya. "Salamat." Sabay sarado ko ng pinto ng kotse. Pagkatapos ay hinubad ko ang eyegalsses ko at nilakihan ko ang mga hakbang ko para makapasok agad sa loob ng kumpanya. Hindi pa naman ako late dahil may isang oras at kalahati pa ako bago magsimula ang trabaho ko. Gusto ko lang talagang pumasok agad dahil ayokong makita ang hudas na lalaki na iyon.
"Hi! First day mo rin?" tanong ng isang babae.
Tumango ako. "Training ko ngayon ikaw?"
"Pareho pala tayo. Anong pangalan mo?"
"Celestina, ikaw?"
"Ako si Jesica. Maaga pa naman, pumunta muna tayo sa caferia para uminom ng kape."
Tumango ako. "Okay, may dala akong 3in1 coffee, sana libre ang mainit na tubig dito," sagot ko.
"Mukhang handa ka sa puyatan."
Tumango ako. "Sayang naman kung bibili pa ako baka mahal ang tinda rito. Nagbaon na rin ako ng pagkain ko para makatipid."
"Ang sipag mo naman magluto. Bukas may baon na rin akong pagkain," wika ni Jesica.
"Magbaon ka na para makatipid ka. Ako kasi malayo ang bahay ko rito sa trabaho kaya kailangan kong magtipid."
"Kapag malayo ka maghanap ka ng boarding house na malapit dito para hindi ka pagod sa biyahe."
"Gano'n nga gagawin ko kapag sumahod ako pero sa ngayon tipid muna."
Habang umiinom kami ng kape ay isa-isa namang dumating ang empleyado ng kumpanya.
"Parang ang tatalino ng mga empleyado rito. Ang gagaling mag-english kahit nasa labas. Tingnan mo 'yung isang babae. Akala mo may kasal na pupuntahan kung maka-outfit bongga," bulong ni Jesica.
"Puro ka kalokohan."
"Ang bongga kasi nila kaya sana lang talaga may makita akong pogi rito."
Umiling ako at hinigop ang kape ko.
"Speaking of guwapo may nakita akong guwapo. Ayun oh!"
Tumingin ako sa tinuturo ni Jesica at nanlaki ang mga mata ko nang makita ako ang lalaking naghatid sa akin. Nakasalamin pa rin siya pero hindi katulad ng suot niya kanina. Nagmadali akong kunin ang eyeglasses ko sa bag. Ayokong makita niya ang mukha ko dahil baka matandaan niya.
Bakit siya nandito?
"Mukhang boss yata ang guwapo na 'yon kasi kausap niya ang nag-interview sa akin," sagot ni Jesica.
Parang gusto kong tunggain ang kape na iniinom ko ngunit hindi ko magawa dahil baka mapaso ang dila ko.
"Celestina, mukhan papunta siya rito," bulong ni Jesica.
Tumayo ako. "Sandali lang at iihi lang ako." Yumuko para lumabas.
"Teka, bakit nakasuot ka ng shade?" tanong ni Jesica.
Pagpihit ko ay bumangga naman ako sa malapad na dibdib.
"Ay! Sorry!" sabi ko.
"Bakit parang ang bait mo naman yata ngayon, Miss Shade?"
Kuyom ang kamao ko nang marinig ko ang lalaki. Tumingin ako sa kanya. "Sinusundan mo ba ako?"
"Bakit naman kita susundan?" Pang-asar pa siyang ngumiti.
"Bakit ka nandito?"
"Nakikita mo ba kung sino ang kasama ko? Siya ang Manager ng kumpanya na pinapasukan mo."
Tumingin ako sa babae na abala sa pakikipag-usap sa isang lalaki.
"Huwag kang lalapit sa akin."
"Ikaw ang bumangga sa akin baka talagang may gusto ka sa akin."
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko, pagkatapos ay nilampasan ko siya. Kung wala lang kami sa loob ng cafeteria baka sinuntok ko na ang hambog na 'yon. Kahit hindi ako naiihi ay pumunta ako sa banyo para makalayo sa hudas na 'yon.
"Celestina, 'yung kape mo." Inabot sa akin ni Jesica ang kape ko.
"Bakit dinala mo pa ito?"
"Konti pa lang ang nauubos mo rito."
"Kilala mo ba ang guwapo kanina?"
Umiling ako. "Hindi ko siya kilala."
"Hays! Akala ko kilala mo 'yung guwapo na 'yon."
Hinigop ko ang kape ko at inubos ko ito. "Tara bumalik na tayo sa opisina baka nando'n na ang trainor natin."
"Tara na!"
Pagdating namin sa opisina ay nakita pa namin ang ibang mga katulad naming trainee. Dumating na rin ang trainor namin kaya nasa iisang silid na kami.
"mag-actual call na ba tayo?" tanong sa akin ng isang babae.
"Hindi ko alam first time ko lang din sa bpo," sagot ko.
"Okay lang 'yon kung anong gawin natin ang mahalaga bayad na tayo ngayon," sagot ni Jesica.
Tumango ako saka naghintay kami ng gagawin namin. Habang ang mga kasamahan ko ay kinakabahan sa gagawin namin. Ako naman ay sobrang excited, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sobrang dali lang sa akin ang trabaho ko na ito.