"Celestina, bakit lalo kang gumaganda." Ang lapad ng ngiti ni Tomas habang nakatambay sa tindahan ni Nanay. Bagong ligo si Tomas, at naka-gel ang buhok. "Tomas, hindi ka pa rin ba napapagod may boyfriend na ako." "Celestina, ang kasintahan mo naman ay nasa Manila. Mas maganda kung sasagutin mo na ako para magkaroon ka ng boyfriend dito sa baryo natin." "Tomas, ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo sa akin dahil loyal ako sa boyfriend ko." Hindi pa nakontento si Tomas at lumapit siya sa akin. Mabuti na lang at may harang ang tindahan ni Nanay kaya. Hindi lang ulam ang tinitinda ni Nanay ngayon may grocery na rin siyang tinda at ako ang nagbabantay sa grocery niya. "Alam mo naman matagal na akong may gusto sa 'yo mula pa noong mga bata tayo." "Hays! Wala kang mapapala sa akin.