"Good bye, Celestina." Sabay siil niya sa akin ng halik nang umalis siya ng mansyon. "Mag-ingat ka sa pagda-drive." Malungkot ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Huwag na kaya akong tumuloy sa meeting ko para samahan kita sa probinsya mo." Ngumiti ako. "Hindi ba't lagi mo sinasabi na be professional? Kailangan mong siputin ang mga ka-meeting mo ngayon." "Kailan ka uuwi?" Tumawa ako. "Hindi pa nga ako umaalis tinatanong mo na agad kung kailan ako uuwi. Babalikan kita 'wag kang mag-alala." Bumuntong-hininga siya. "Okay." Muli niya akong siniil ng halik pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Mauna siyang umalis sa akin. Mamayang alas-diyes ng umaga ako aalis kaya may oras pa ako para pumunta sa condo unit. Kukunin ko ang ibang mga gamit ko para iuwi sa probinsya lalo na ang m