CHAPTER 28

2603 Words

"Monday, pala ngayon," bulong ko. Inunat ko ang katawan ko bago tuluyan bumangon sa kama. Ngumiti ako nang makita ko si Jacob na ang himbing ng tulog. Nakasuot siya ng puting sando at boxer shorts. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Good morning, mahal ko," bulong ko sa kanya. Wala akong balak gisingin siya ng umaga lalo na't siya naman ang boss ko. Kailangan mas maaga akong dumating sa kumpanya kaysa sa kanya. Bumango ako at dahan-dahan akong naglakad papasok sa banyo. Kailangan ay hindi siya magising kapag umalis ako ng mansyon. Halos kalahating oras ang ginugol ko sa banyo bago ako lumabas. Nagsuot ako ng damit at kinuha ko ang bag, at sapatos bago ako lumabas ng kuwarto. Sa kabilang silid na lang ako mag-aayos ng sarili. "Laura, bakit maaga ka ngayon?" tanong ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD