BRIX'S POV "POSITIVE ang resulta ng DNA test namin ni Laura. Walang duda siya si Laura." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Tita Giselle. Nakaupo kami sa terrace ng bahay namin habang umiinom ng kape. Alas-sais pa lang ng umaga ngayon. "Sinabi ko naman sa inyo na siya si Laura." "Anong gagawin natin? Sasabihin na ba natin sa kanila ang totoo?" "Tita, hindi gano'n kagadali ang sabihin sa kanila ang totoo dahil wala silang naalala. Lalo na si Laura, ang alam niya ay totoong magulang niya ang naligtas sa kanya." "Anong gagawin natin? Paano nila malalaman ang totoo?' "Tita, kahit alam na natin ang totoo hindi naman sila maniniwala sa atin mas maganda kung kusa nilang maalala ang lahat." "Paano kung hindi na bumalik ang alaala nila?" "Imposibleng mangyari ang iniisip n'yo. Hindi ba't sila mi