ALA-OTSO na nang umaga ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kanina pa akong alas-tres ng umaga nakauwi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Paulit-ulit kasing bumabalik sa alaala ko ang ginawang panghahalik sa akin ng customer ko. Hinalikan niya ako at tumugon naman ako sa bawat halik niya. Marahan kong kinagat ang daliri ko habang nakahiga. "Hays! Bakit ba ayaw niya akong patulugin?" Bumango ako at nagtimpla ako ng gatas upang makatulog. Mabuti na lang at day off ko ngayong araw kaya kahit mapuyat ako ay okay lang. Ngunit sumasakit naman ang ulo ko dahil sa pag-iisip. Habang umiinom ako ng gatas ay bigla kong naalala ang cheke na binigay sa akin ng kapatid ng customer ko. "Fifty thousand pesos. Sobra-sobra na ito para sa pambayad ko sa bayad ko sa upa. May mabibig