ILANG-BESES akong huminga ng malalim habang nakatingin ako sa mug kong may mainit na kape. Nasa loob ako ng cafeteria habang nakahalumbaba. Hindi ko pa rin alam kung pagbibigyan ako ni Trisha bilang escort girl. "Hays! Saan ako kukuha ng pera pambayad sa apartment ko. Kailangan ko rin magpadala ng pera sa magulang ko dahil baka makaisip magtrabaho si tatay kung wala na silang pera." "Hoy! Anong binubulong mo diyan? Para kang baliw," wika ni Jesica. Tumingin ako sa kanya. "Nakausap ko na si Trisha." "Oh, anong sabi niya?" "Pumayag siyang ibigay sa akin ang isang customer niya." "Oh, wala ka ng problema bakit malungkot ka pa?" "Nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko. Natatakot ako baka kung anong gawin ng customer ko. Ang sabi ni Trisha, kapag nagustuhan ka raw ng customer ay