"Laura! Laura!" Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Nakatunghay sa akin ang magulang ko. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala sa akin. "Nay, Tay.." nagsimulang tumulo ang luha ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Hindi na pala ako si Celestina. Ako pala ang totoong asawa ni Jacob na si Laura. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat kung bakit marami akong panaginip na hindi ko maipaliwanag noon. Malinaw na sa akin ngayon kung bakit ko napapanaginipan ang nangyari kay Laura. Ako pala ang totoong si Laura. "Laura… anak." Tumulo ang luha ni Nanay. Bumangon ako para yakapin siya ng mahigpit. "Salamat sa inyo." "Laura, kahit hindi ka namin tunay na anak para sa amin ay ikaw ang pangalawa naming anak. Alam mong tinuring ka naming anak," saad ni Nanay haba