"What's wrong with you?" tanong ni Jacob sa akin habang nasa hapag kainan kami at kumakain ng almusal. Tumingin ako sa kanya. "Wala naman." Ipinagpatuloy ko ang pagkain upang hindi siya makahalata na may iniisip ako. "Are you sure?" muli niyang tanong. "Bakit mo naman naitanong?" "Simula pa kagabi ay parang wala ka sa sarili mo." Tumahimik ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang tumawag sa akin. "Masakit ang puso ko wala ako sa mood." Lumapad ang ngiti niya. "Mabuti na lang pala at nakapag-three rounds pa tayo bago ka magkaroon ng monthly period." Tinaasan ko siya ng kilay. "Hinaan mo nga ang boses mo." Tumingin ako sa paligid namin dahil baka may makarinig sa kanya lalo na ang katulong namin na naghihintay lang utos. "Okay lang 'yan mag-asawa naman tayo." "Kahit na hi