Nakasandal ako sa dingding ng banyo habang nakataas naman ang mga kamay ko. Hindi ako makakilos dahil nakaharang sa akin si Aidan. Amoy na amoy ko rin ang mabango niyang hininga. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan, ang bawat hiningang dumadampi sa mukha ko ay may halong alaala at pait. Mabango ang kanyang hininga, pero para akong binabagsakan ng mabigat na alaala sa bawat pagbuga niya nito. Lumunok ako, nanginginig ang tinig. “A-Aidan…” Tinitigan niya ako—hindi basta titig, kundi titig na parang sinisilip ang kaluluwa ko. “Can’t you believe you will see the person you cheated on?” may apoy ng galit sa bawat salita niya. Napapikit ako. “H-Hindi kita niloko…” Mahina, halos hindi marinig. Tinangka kong itulak siya, pero mas mabilis siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at mariing idinik