NAKANGITI ako habang pinagmamasdan ko si Laura at si Sir Jacob. Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil natapos na ang mga pinaghirapan nilang dalawa. “Celestina, magkahawig talaga kayo ni Ma’am Laura,” bulong sa akin ng ka-workmate ko na si Arlea. Nagtatrabaho ako bilang sekretarya sa kumpanya ni Sir Jacob. Nang gumaling ako sa aking sakit. Binigyan nila ako ng maayos na trabaho. Wala akong ideya sa trabaho na ito pero dahil mabait sila sa akin ay tinuruan nila ako. “Masyadong malayo,” sagot ko. “Hindi naman malayo. Lamang lang si Ma’am Laura ng isang bilyon paligo sa iyo.” Sabay tawa niya. “Puro ka talaga kalokohan. Kumain na tayo ang sarap ng mga pagkain sa cafeteria dahil libre.” “Ang sarap talaga magtrabaho dito laging may libreng pagkain.” Hinawakan ni Arlea ang tiyan niya.