EXCITED ako ngayong araw dahil ngayon kami pupunta sa probinsya at kasama namin ang mga anak namin at kaibigan. Siguradong magugulat sina Nanay kapag nakita nila kami. Hindi naman kami nag-aalala sa tutulugan namin dahil malaki na ang bahay ng kumupkop sa akin. Alas-tres pa lang ng madaling araw ay bumangon na ako para ihanda ang mga gamit namin. Tinulungan kong magluto ang katulong namin para mabilis matapos. "Laura, kanina ka pa ba gising?" tanong ni Jacob sa akin ng gisingin ko siya para kumain. Tumango ako. "Oo, tumulong akong magluto para makakain tayo bago umalis." Tumango si Jacob. "Maliligo lang ako." "Sige, gigisingin ko ang mga bata," sagot ko. Tumango si Jacob, saka dumiretso siya sa kuwarto para maligo. Ginising ko naman ang mga bata pagkatapos ay nauna na kaming pumunta