"ISANG linggo lang tayong hindi nagkita ang dami ng nangyari sa 'yo," wika ni Jesica nang bisitahin niya ako sa condo ko. Inabot ko sa kanya ang ice cream na request niya pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya. "Hindi ko rin alam kung bakit ang bilis kong magdesisyon pagdating kay Jacob." Sumubo muna ng Ice cream si Jesica bago nagsalita. "Mahal mo kasi siya kaya hindi ka makatanggi sa gusto niya." Tumango ako. "Mahal na mahal ko siya Jesica." "Kahit mahal mo siya 'wag mo munang ibigay ang sarili mo sa kanya. Hindi ka sigurado kung pananagutan ka niya kung sakaling mabuntis ka." Tumahimik ako. Hindi alam ni Jesica na ilang beses ng may nangyari sa amin dalawa ni Jacob at hindi ko 'yon pinagsisihan. "Oh, bakit natahimik ka? Huwag mong sabihin na sinuko mo na ang bataan?" Yumuko ako sa