LULA SANTIAGO .Hindi ko mapigilan ang pag-buhos ng mga luha ko habang pinapakinggan ko ang masasakit na mga salita galing kay Boss Ferruccio. Naninikip ang dibdib ko na tila namimilipit ang aking mga ugat sa loob. Nangmamanhid ang mga pisngi ko. Parang sinampal n’ya ako. Hindi ako makapaniwala na ganito ang maririnig ko kay boss sa kabila nang mga pinaramdam n’ya sa ‘kin. Sobrang sakit. Hindi ko mapigilang umiyak sa harapan n’ya. “B-Boss… hindi po totoo ang sinabi n’yong nag pa brain wash ako sa mama ko o kahit kanino… Sariling desisyon ko po… dahil tinugunan ko lang ang nararamdaman n’yo sa ‘kin…” Pumikit s’ya ng mariin at napapahilamos sa harapan ko. Sinasabi ko lang din ang side ko rito. Totoo ba itong sinasabi ni Boss? Bakit umiba na ang ihip ng hangin? Ang bait-bait n’ya sa ‘kin