DEVILLIANNA FIACRA VERNO Matapos ang mahaba-habang lakaran na ‘yon, finally, narating na namin ang camping spot. Tinungo na namin ang kuweba na ilang metro lang ang layo sa dalampasigan. Natatanaw ko ang bangka roon sa tubig. Naka-set up na ang dalawang tent. Isang malaki, at isang medium sized lang na kasya na kami ni Lhyne. “We will gather some woods for our bonfire later. Panlaban na rin sa lamig.” “Okay, aayusin lang din namin ang tent.” Iyan ang sagot ko kay Pierre. Iginala ko muna ang paningin ko sa kuweba na ito. Maliit lang naman. Ang nasa ibabaw nito, mga kakahuyan na. Parang nasa ilalim lang kami ng bangin pero may silungan lang dito sa ibaba. Hindi gaanong malakas ang hampas ng hangin dahil may naka-harang na malalaking tipak ng bato roon sa tubig dagat, sa harapan ng kuweb