DEVILLIANNA FIACRA VERNO IMBES na sigawan o mag-protesta, hinayaan ko na lang s’ya sa gusto n’ya at nasa kan’ya naman ngayon ang susi ng sasakyan ko. Binuksan ni Ferrucio ang pintuan sa front seat. Pinasok n’ya ako roon. Sinundan ko naman s’ya ng tingin nang dumaan sa harapan ng kotche hanggang sa pumasok na rin s’ya sa driver seat at umupo. “Fasten your seatbelt.” Habang kinakabit ko ang seat belt ko, umandar na ang kotche palayo sa parking slot. Nilisan na namin ang company building n’ya. “Tell me where we are heading to.” “Sa port na lang na pinakamalapit dito.” “Where do you live anyway? Bakit sa port?” Binalingan ko s’ya ng tingin dito sa tabi ko. Naka-tutok lang ang buong atens’yon ni Ferruccio sa dinadaanan namin. “Sasakay pa kasi ako ng service boat para marating ang isla