DEVILLIANNA FIACRA VERNO Mas lalo napanatag ang loob ko dahil pumayag si Papa na 2 weeks lang ako makukulong sa isla namin. Hindi pa rin nagigising ang dalawang demonyo pero dinala na sila sa helicopter. Nag-antay pa kami ng sasakyan na susundo sa ‘min ni papa. Halos dalawang oras kami roon bago dumating ang kotche. Pumasok na kami sa loob ng back seat at sa wakas, nilisan na namin ang lugar na iyon. “Mahaba ang lalakbayin natin, ‘nak. Matulog ka muna.” Pinasandal n’ya ako sa kaliwa n’yang balikat at hinimas-himas ang tuktok ng ulo ko. Inayos ko ang magkakasandal sa car seat at humikab. Ngayon ko lang naramdaman ang panghihina ko. I think I just experienced an adrenaline rush. Sa buong buhay ko, hindi ko naman naranasan na makipaglabanan ng ganoon sa bingit ng kamatayan. Pakiramdam k