DEVILLIANNA FIACRA VERNO LUMIPAS ang ilang mga minuto, may naririnig akong sunod-sunod na mga yabag. Tinanaw ko agad kung ano iyon. Kung kalaban o hindi. Pero nang masilayan ko ang uniporme ng mga tauhan ni Papa, kaagad akong bumaba sa puno na pinagtataguan ko. Ang layo pa ngdistans’ya nila. May kapit-kapit na rifles ang bawat soldiers. “Dad!” Nang um-echo ang boses ko, napa-baling sa akin ang lahat ng kanilang atens’yon. “Boss! She’s over there!” At natanaw kong kumaripas ng takbo si papa palapit sa aking kinaroroonan. Siniil n’ya agad ako ng mahigpit na yakap. Kumalas s’ya at tinititigan ang bawat parte ng katawan ko. “Are you hurt?!” “Thank God nothing bad happened to me… pero nandoon ang mga kidnapper sa loob ng bahay na ‘yan.” Sabay tinuro ko iyon. Inutusan kaagad ni papa ang