DEVILLIANNA FIACRA VERNO “’Wag mo ngang sabihin ‘yan, Lhyne,” mahinang usal ko. Binalingan n’ya ako ng tingin. “Why not? Totoo naman ang sinabi ko na anak ka ng bilyonaryo… Hindi naman joke ‘yon or what,” katwiran n’ya. “And please say something to them...” Napa-sulyap naman ako sa kanilang lima. Hindi ko sila tinititigan sa mukha pero nasa akin na ang buo nilang atens’yon at naghihintay ng statement ko. “Go ahead, ‘nak,” bulong ni mama sa ‘kin. Matigas akong tumikhim. “I am… sorry if I lied that I was a bed spacer here…” Iyan ang paunang pahayag ko. “No... don’t be sorry, Devillianna. Hindi naman isang kasalanan kung hindi mo sinabi ang totoo tungkol sa family background mo. We were just shocked because you are an heir of a prestigious family but you remained humble...” Napa-tang