DEVILLIANNA FIACRA VERNO Tumigil ako sa bungad ng pinto at hinarap muna s’ya. Palapit na sa aking kinaroroonan at huminto agad sa aking harapan. “Here.” Sabay inabot sa ‘kin ang phone ko. Tinanggap ko agad ‘yon. “Thanks,” maikling tugon ko sa kan’ya. “What is your schedule tomorrow?” pormal na tanong sa ‘kin. “I-c-continue ko ang pag make over ng office ko. Puwede rin kayong mag-redecorate sa inyong mga studio kung gusto ninyo.” He nodded. “Papasok na ako sa loob.” Bago n’ya pa ako masagot, tumalikod na ako sa kan’ya. “Good night, Devillianna…” “Good night din.” At humakbang na ako hanggang sa maka-apak na ako sa sahig ng kuwarto ko. Dire-diresto lang ang aking lakad. Pumasok ako sa banyo. Naiwan kong naka-bukas ang pinto roon. Aalis naman siguro s’ya agad. Kinaumaghan, nagis