DEVILLIANNA FIACRA VERNO “What the hell is wrong with you, dude?! Why are you yelling like that?!” Nilingon ko sila. Parang nagulat yata si Pierre sa malakas na sigaw na ‘yon ni Ferruccio at muntikan na s’yang mahulog sa couch na ginawa n’yang patungan. Hindi n’ya sinagot si Pierre. Iniwasan ko na sila ng tingin dahil bumulusok na si Ferruccio palapit sa office table ko. “Hala, hininaan ko na nga, rinig pa rin n’ya?” mahinang usal ni Lhyne. “What is he doing here, Lhyne? Why is he looking for Devillianna? For what?” Tumigil s’ya sa aking tabi. “Who is that 'he', bro? Wait, is there something wrong?” Tinigil ni Pierre ang ginagawa n’ya. Bumaba na sa couch at patakbong lumakad patungo sa ‘min. Himinto rin s’ya sa kaliwang gilid ko. “Ah, kasi…” Binaling na nila ang buong atens’yon k