DEVILLIANNA FIACRA VERNO Palihim kong kinagat ang aking lower lip dahil nang inusal ko ang mga sagot ko sa kan’ya, halos tatakas na ang eye balls n’ya at bahagyang umawang ang kan’yang mga labi. Muntik nang sumingaw ang tawa ko pero pinigilan ko agad. Ilang segundong hindi nakapagsalita si Ferruccio pero dilat na dilat ang mga mata n’ya ngayon. “A-Are you… s-serious?” halos pabulong n’yang sambit. “Your client is a man and he wants to get tattooed in his… p-p-pe…nis?” Matigas akong tumikhim. Nagbibiro lang naman ako sa part na ‘yan pero totoo ‘yong kumuha ako ng license ko at naka-pasa talaga ako. ‘Yon nga lang, kahit gusto ko man na magkaroon ng client ngayon na, ako mismo ang magtatattoo, wala akong sapat na oras dahil halos araw-araw na lang kasi, may naman client kami at dumadagdag