DEVILLIANNA FIACRA VERNO The good news is I got a job but the bad news is it won’t last long. Hindi sasapat ang isang linggo. Hindi ko kayang pagkasyahin ‘yon para gumaan man lang ang loob sa ‘kin ni Ferruccio. Pinapaalis na nga n’ya ako pero pinigilan s’ya ni Roselyn. Imbes na silang dalawa lang ang papasok sa session room, hinila ako ng client n’ya at sinara na ang pinto. Walang nagawa si Ferruccio ‘kun ‘di hayaan na lang. Umupo ako sa isang tabi para panoorin sila. Habang hinahanda n’ya ang mga gagamitin sa session, pumipili pa si Roselyn ng design sa sk etch pad ko. Pinuno n’ya ang mga tainga ko ng compliments dahil gandang-ganda s’ya sa mga art ko. “Let’s get started.” Pumuwesto si Ferruccio sa kaliwa ni Roselyn. Parang sa braso yata s’ya magpapatattoo dahil tinaas na n’ya ang