DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Napapakamot na sa ulo ang Papa mo sa kakulitan nila,” natatawang sambit ko kay Lhyne. Naglalakad na s’ya palapit sa aking kinatatayuan. “Oo nga ‘e.” “Devillianna! Good byee! Muah! Muah! See you soon!” Parang mapipigtas na ang ugat ni Pierre sa kakasigaw. Nasa loob na ulit sila ng bangka at kulang na lang, tataliin s’ya ni Ferruccio sa poste para hindi na maka-galaw. Palayo na ng palayo ang bangka hanggang sa hindi ko na sila matanaw. “Sa wakas, naka-raos din tayo… Mabuti na lang talaga nalusutan n’yo si Boss Gideo kanina.” Naglalakad na kami ni Lhyne pabalik ng bahay. “Sinabi mo pa. Kung hindi ko nahanap kaagad si Ferruccio, matataranta ako kung ano ang idadahilan ko.” Habang papalapit na sa bahay, nasilayan ko sa hagdan na pababa na sina mama at papa k